Charlie Dizon laging bigay-todo sa aktingan: Ayokong may pagsisihan ako sa mga projects na ginawa ko | Bandera

Charlie Dizon laging bigay-todo sa aktingan: Ayokong may pagsisihan ako sa mga projects na ginawa ko

Ervin Santiago |March 30,2022
facebook
share this

Charlie Dizon laging bigay-todo sa aktingan: Ayokong may pagsisihan ako sa mga projects na ginawa ko

Ervin Santiago - March 30, 2022 - 07:01 AM

Charlie Dizon

Charlie Dizon

KAHIT may mga best actress awards nang natanggap inaatake pa rin ng matinding nerbiyos at pressure si Charlie Dizon kapag may bagong acting project na ginagawa.

Aminado ang dalaga na hindi niya maiwasan ang makaramdam ng kaba at pressure dahil na rin sa taas ng expectations sa kanya ng mga manonood because of her trophies.

“Hindi ko maitatangging nakaka-pressure siya talaga pero alam mo kahit nu’ng wala pang awards, talagang nandoon pa rin ‘yung pressure na lagi kong galingan, lalo kong pagbutihin ‘yung ginagawa ko,” ang pahayag ni Charlie sa ginanap na virtual mediacon para sa upcoming episode ng long-running drama anthology na “Maalaala Mo Kaya.”

Patuloy na paliwanag ni Charlie, “Kasi at the end of the day, ayokong may pagsisihan ako sa mga projects na ginawa ko.

“Parang gusto ko kapag nag-look back ako, magiging proud ako sa ginawa ko at talagang naibigay ko ‘yung best ko.

“Lagi kong tinitingnan pa rin siyempre kung ano pa ‘yung ways na dapat kong ma-improve para mas mapabuti pa ‘yung mga susunod ko pang gagawin,” lahad pa ng dalaga na napapanood din sa Kapamilya drama series na “Viral Scandal.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Charlie Dizon (@charliedizon_)


Samantala, umaasa si Charlie na maraming makaka-relate at mai-inspire sa istorya ng isang frontliner overseas Filipino worker na gagampanan niya sa “MMK”.

“Gusto ko talagang maipakita rin, ‘yung character ng totoong tao at as much as possible na close sa nangyari sa kanila ‘yung emosyon niya.

“Siyempre hindi naman natin nakita kung ano ‘yung totoong nangyari kumbaga roon sa mismong sitwasyon pero base sa mga sinulat nila sa kwento, siyempre gusto mong ma-portray nang maayos talaga.

“Ang saya kapag nagawa mo, kapag na-accomplish mo nga ‘yung trabaho na ‘yun kasi maraming mai-inspire rin na manonood and I’m sure maraming makaka-relate, hindi lang bilang magkarelasyon kung ‘di pamilya.

“And ‘yung sitwasyon na nangyari sa kanila, maraming nakaranas nun kasi COVID season ‘yun eh, talagang I’m sure na maraming makaka-relate, ang daming mai-inspire at gaganahang bumangon uli,” patuloy pa niyang paliwanag.

Nabanggit din ng aktres na sa bawat karakter na ginagampanan niya sa pelikula at teleserye ay may mga natututunan din siya at may pagkakataon pa nga na naitatama niya ang kanyang pagkakamali dahil dito.

“Depende rin po kasi sa materyal na binibigay talaga. Minsan doon ko rin po nari-realize na may ganito akong kakayahan, may ganito rin akong side pala and depende rin po sa nakakatrabaho ko parang kasi kada project po ibang set ng artists, ibang set din ng directors and ng production,” pahayag ni Charlie.

“I make sure na every time na may bago akong set na tinutungtungan ‘yung may matututunan po talaga ako. ‘Yung tipong alam ko na, ‘ay ‘di ko ‘to alam dati ah’ nag-oobserve po talaga ako. I make sure na may natututunan pa rin po ako sa kada ginagawa ko,” chika pa ng dalaga.

Samantala, ayon naman sa “Viral Scandal” director na si Froy Allan Leonardo nagpapasalamat siya na si Charlie rin ang bida sa una niyang “MMK” episode.

“I’m very fortunate to direct Charlie kasi sobrang napakasipag niya. We just finished ‘Viral Scandal’ so ito, panibagong hamon sa aming dalawa na nagkatrabaho ulit.

“Kasi ang hirap na parang kalasin si Rica Sicat (karakter niya sa Viral Scandal) tapos gaganap siya sa totoong tao. ‘Yun ‘yung naging challenge sa akin lalo na’t it’s my first ‘MMK.’

“Sobrang happy din ako na nabigyan ako ng chance ng ABS-CBN to direct a ‘MMK’ episode. Si Charlie, hindi ako nahihirapan siyang katrabaho kasi off-cam nag-usap din kami, Charlie made my work a lot more easier talaga eh at saka she’s truly exceptional,” sey ni Direk.

Mapapanood na ang episode ni Charlie sa “MMK” ni Charo Santos sa April 23 kung saan makakasama niya si Kiko Estrada.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Charlie Dizon palaban, walang inuurungan; game na game magpaka-daring

Charlie Dizon posible nga bang ma-develop kay Joshua Garcia?

Joshua nanginig ang buong katawan dahil kay Charlie; ABS-CBN tuloy ang mga ‘pasabog’ para sa buong mundo

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending