Gloria Romero naging ekstra muna sa pelikula bago naging reyna

Gloria Romero naging ekstra muna sa ‘Bernardo Carpio’ bago naging reyna

Ervin Santiago - January 29, 2025 - 12:05 AM

Gloria Romero naging ekstra muna sa 'Bernardo Carpio' bago naging reyna

Gloria Romero

KNOWS n’yo ba na naging extra rin muna sa pelikula ang Queen of Philippine Cinema na si Gloria Romero bago sumikat nang bonggang-bongga at tanghaling reyna!?

Nagluluksa ngayon ang buong entertainment industry sa pagpanaw ni Tita Glo sa edad na 91. Halos lahat na yata ng mga sikat na artista ngayon ay nakatrabaho ang award-winning veteran actress at movie and TV icon.

Kaya naman kanya-kanya sila ng post sa social media para magbigay-pugay at parangal sa yumaong Reyna ng Pelikulang Pilipino.

Pero bago nga makilala at sumikat sa mundo ng showbiz si Tita Glo ay naging ekstra muna siya sa pelikulang “Bernardo Carpio” na pinagbidahan nina Cesar Ramirez at Alicia Vergel. Ipinalabas ito noong 1952.

Baka Bet Mo: Veteran stars nagsama-sama sa ‘Tribute to the Queen’ para kay Gloria Romero

Pagkatapos nito ay nabigyan na agad siya ng bonggang break matapos magbida sa “Madam X” kasama din sina Cesar at Alicia. At mula noon ay nagsunud-sunod na ang kanyang mga proyekto.

Sa interview ng dating programa ng GMA 7 na “Tunay na Buhay” hosted by Rhea Santos taong 2017, binalikan ni Tita Glo ang kanyang kabataan at kung paanong ang isang tulad niyang isinilang sa Amerika, ay napunta sa Pilipinas.

Kuwento ng yumaong aktres, nagbabakasyon lang daw sila noon sa Pilipinas kasama ang kanyang parents nang abutan sila rito ng giyera.

Ayon sa aktres, ipinangak siya sa Colorado, USA — Pilipino ang kanyang tatay habang Amerikana ang kanyang nanay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Nagtungo sila sa Pilipinas ng kanyang pamilya para lamang magbakasyon ng isang taon sa Pangasinan ngunit nang pabalik na sila sa Amerika, sumiklab na ang World War II at hindi na sila nakalabas ng bansa.

May mga pagkakataong hindi raw sila nagbubukas ng ilaw sa loob ng kanilang bahay noon dahil sa takot na mahuli ng mga Hapon. At dahil sa kadiliman sa paligid, nahulog sa hagdan ang kanyang ina na namatay sa edad lamang na 28.

Pagkatapos ng digmaan ay hindi na rin bumalik sina Tita Glo sa Amerika at nagdesisyong manirahan na rito sa Pilipinas. Pagsapit niya sa high school,  doon na niya pinangarap na maging artista.

Samantala, patuloy ngang nagluluksa ang mga artistang nakatrabaho ni Tita Glo kabilang na ang Star for All Seasons na si Vilma Santos. Post niya sa kanyang Instagram stories, “Our condolences and prayers. Rest in Peace, Tita Glo! I love you.”

Mensahe naman ni Charo Santos, “As a young girl, I was mesmerized by her beauty and brilliance on the silver screen. Watching her movies felt like entering a world of magic, where she brought every character to life with such authenticity, elegance and grace.

“Tita Glo wasn’t just an icon; she was a guiding light for so many of us. She showed us how to carry success with humility, how to navigate challenges with grace, and how to leave a legacy that transcends time,” aniya pa.

Post naman ni Shaina Magdayao na nakatrabaho si Tita Glo sa classic family drama na “Tanging Yaman”, “So blessed to have shared the screen with you po. But most importantly, to have learned from such a gracious soul. Salamat po for touching our lives with your beautiful presence.”

Ito naman ang naging message ng veteran actress na si Helen Gamboa, “Talagang napakabait niya. We were very close. Pag may taping, nagda-date kami, magco-coffee. Puro kwentuhan. I enjoyed working with her.

“I am so honored nakasama ko siya sa isang taping. Alam ni Tita Gloria na mahal na mahal ko siya. At ganoon din siya sa akin. She is truly the Queen of Philippine cinema,” saad pa ng misis ni Tito Sotto.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sabi naman ni Tirso Cruz III, “She is a big loss to the industry. Although it is a line that has been abused, totoo she will be missed. She is a big loss not just for me, my wife, but for the whole industry.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending