Veteran stars nagsama-sama sa para kay Gloria Romero

Veteran stars nagsama-sama sa ‘Tribute to the Queen’ para kay Gloria Romero

Ervin Santiago |February 29,2024
facebook
share this

Veteran stars nagsama-sama sa ‘Tribute to the Queen’ para kay Gloria Romero

Ervin Santiago - February 29, 2024 - 04:00 PM

Veteran stars nagsama-sama sa 'Tribute to the Queen' para kay Gloria Romero

NAGSAMA-SAMA ang mga veteran stars ng Philippine entertainment industry sa isang madamdaming tribute para sa TV and movie queen na si Gloria Romero.

Last December 16, 2024, nag-celebrate ang award-winning veteran actress ng kanyang 90th birthday kung saan nakasama niya ang ilan sa malalapit niyang kaibigan sa showbiz.

Kagabi, February 28, muling binigyan ng pagkilala ang beteranang aktres sa pamamagitan ng isang star-studded tribute ma ginanap sa Manila Hotel.

Kasama ng TV and movie icon kagabi ang anak niyang si Maritess at apong si Chris para saksihan din ang “Tribute to the Queen.”

Ang makasaysayang event ay in-organize ng isa sa BFF ni Tita Glo, ang dati ring aktres na si Daisy Romualdez upang ipagdiwang ang legacy at tagumpay ng movie icon.

Baka Bet Mo: Chanda Romero naglayas; parang ketongin kung layuan ng mga tao

Ayon kay Tita Daisy, parang tunay na kapatid na ang turing niya sa premyadong aktres at naniniwala siya na karapat-dapat lang itong bigyan ng bonggang parangal at pagkilala.

“I am so happy kasi ang dami-dami sa aking tumawag na artista, nandiyan sila lahat. Ngayon lang kami ulit nagkita-kita. And for the first time, dahil siya talaga ang ating queen — the icon of Philippine movies,” ang bahagi ng mensahe ni Tita Daisy.

Nagbigay din ng message ang anak-anakan ni Tita Glo sa showbiz na si Amy Perez na nagkasama ng halos 12 years sa ABS-CBN sitcom na “Palibhasa Lalake”.

“Mommy Glo. Siya po ang naging nanay ko for 12 years sa ‘Palibaha Lalake’. Honored na naaalala nila ako, masaya ako na magbibigay tayo ng tribute para kay Tita Glo.

“Ang wish ko kay Tita Glo ay manatiling healthy, malakas at maganda,” pahayag ni Tyang Amy.

Nagbigay din ng video message si Coco Martin at ang dating aktres na si Carol Banawa, na nakasama ni Tita Glo sa classic family drama na “Tanging Yaman.”

Nag-perform sa event sina Vina Morales, Christian Bautista, Mark Bautista, Marissa Sanchez at Dulce.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Present din sa pa-tribute kay Tita Glo sina Sen. Robin Padilla, Cavite 2nd District Rep. Lani Mercado, ang mag-asawang Eddie Gutierrez at Annabelle Rama, Nadia Montenegro at Danita Paner.

Naroon din ang mga veteran stars ng LVN at Sampaguita Pictures tulad nina Divina Valencia, Marissa Delgado, Pepito Rodriguez, Liza Lorena, Nova Villa, Boots Anson Roa-Rodrigo, Tessie Villarama, Imelda Ilanan, Tina Loy at Pempe Rodrigo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending