John Estrada tsutsugihin na rin ni Coco Martin sa ‘FPJ’s Batang Quiapo’
HINDI namin inaasahang papatayin na ang karakter ni John Estrada bilang si Rigor sa “FPJ’s Batang Quiapo” at mukhang huling linggo na rin niya sa serye.
Ipinapakita naman sa teaser na papatayin siya ni Tanggol played by Coco Martin dahil sa sobrang galit nito lalo’t nalamang hindi niya tatay si Rigor.
Nagtanong kami sa ilang taga- ABS-CBN kung okay na kay John na tsugihin siya sa show lalo’t isa siya sa itinuturing na poste ng programa.
“Okay naman, ‘yun ang takbo ng kuwento eh. Saka nag-usap naman na sina John and Coco,” sagot sa amin.
Pagkatapos daw ni John ay si McCoy de Leon as David naman ang kasunod na babalikan ni Tanggol kaya mukhang nangangamib na ring matsugi ang aktor.
Going back to John, tiyak may bagong show na naman siyang gagawin dahil hindi naman siya nababakante ng trabaho.
Samantala, magbubukas na ang panibagong yugto ng “BQ” sa pagsisimula ng ikatlong taong laban ni Tanggol.
View this post on Instagram
Isang official poster ang inilunsad para dito at inaabangan na rin ang pag-anunsyo ng mga bigating artista na papasok sa serye.
Maangas si Coco sa bagong poster na tampok ang iba’t ibang buwis-buhay at makapigil-hiningang mga eksena na haharapin ng karakter niyang si Tanggol.
Nagpatikim na nga ang serye sa mga pasabog na komprontasyon sa kwento sa pamamagitan ng isang special plug na inilabas noong Linggo (Enero 19) kung saan nakakuha ito ng walong milyon view sa loob lamang ng 24 hours sa social media.
Gigil na gigil ang netizens sa excitement sa paghaharap nina Tanggol n Rigor.
Anyway, sa ginanap na Sinulog Festival Kapamilya Karavan noong Enero 18, pinangunahan ni Coco ang pagpapasalamat sa mga tagasubaybay ng “FPJ’s Batang Quiapo” kasabay ng pagwawakas nito ng selebrasyon para sa ikalawang taong anibersaryo at paglunsad naman ng ikatlong taon sa ere.
Nakasama rin ang cast sa pag-iikot upang batiin ang mga Cebuano sa ginanap na Sinulog Float Parade nitong Linggo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.