John pak na pak ang linyahan sa 'Batang Quiapo': 'Nagsisisi ako sa maling nagawa ko, natukso lang ako...ayokong saktan ang asawa ko' | Bandera

John pak na pak ang linyahan sa ‘Batang Quiapo’: ‘Nagsisisi ako sa maling nagawa ko, natukso lang ako…ayokong saktan ang asawa ko’

Ervin Santiago - May 04, 2023 - 06:38 AM

John pak na pak ang linyahan sa 'Batang Quiapo': 'Nagsisisi ako sa maling nagawa ko, natukso lang ako...ayokong saktan ang asawa ko'

Priscilla Meirelles at John Estrada

NAGING sentro ng tuksuhan ang kontrobersyal na aktor na si John Estrada matapos mag-viral ang isang eksena niya sa Kapamilya primetime series na “FPJ’s Batang Quiapo.”

Aliw na aliw ang mga netizens nang mapanood ang nakakalokang eksena ni John sa naturang programa bilang si Rigor, dahil parang true-to-life na raw ang mga linyahan nito.

Komento ng ilang sumusubaybay sa “Batang Quiapo” tila updated daw ang serye sa mga nagaganap sa tunay na buhay ni John dahil parang totohanan na raw ang mga dialogue nito.

Ang tinutukoy ng mga netizens ay ang naging problema ng mag-asawang John Estrada at Priscilla Meirelles kaugnay ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa. Nabalitang may ibang babae umano ang aktor na labis pinagselosan ng kanyang misis.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sa official Facebook account ng iWantTFC ay makikita ang dalawang litrato ni John na kuha sa eksena niya sa “Batang Quiapo” kung saan naglilitanya si Rigor sa ginawa niyang pagtataksil.

Base sa kuwento, natukso si Rigor sa kasamahan niyang pulis na ginagampanan ni Mercedes Cabral. Si Marites na ginagampanan ni Cherry Pie Picache ang kanyang legal wife.

“Nagsisisi ako sa maling nagawa ko. Natukso lang ako. Napilit. Ayokong saktan ang asawa ko.

“Hindi niya dapat malaman ang nangyari. At ipinapangako ko, hindi na ‘yun mauulit,” ang dialogue ng karakter ni John.

Baka Bet Mo:  John Prats wish maidirek ang concert nina Justin Timberlake, Regine at Ogie; kunin kaya uli ni Coco para sa ‘Batang Quiapo’?

Narito ang mga komento ng netizens sa mga linyahan ni John sa “Batang Quiapo” na pinagbibidahan nina Coco Martin at Lovi Poe.

“The design is very John Estrada.”

“The design is very real and totoong buhay john! Isinadula lang ah hahaha.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by iWantTFC (@iwanttfc)


“The design is very tunay na buhay.”

“Pati ba naman sa teleserye, John?”

“True to life na yarn?”

“E bakit ikaw pa ung galit nung umuwi ka ng inumaga kung ayaw mo tlagang masaktan asawa mo. The design is very manipulative. Tapos halos patayin mo na si Tanggol. Nako rigor ha Gigil mo kmi hahaha. Palaging nanunuod yarn? Haha.”

“Ibig sabihin mahal nya talaga c tess kaya lng Hindi nya talaga kayang tanggapin c tanggol…naku rigor dapat kung mahal mo c tess eh tanggapin mo ung kung Anung nangyari s knya KC di nman din nya ginusto un db kaya dapat tanggapin mo na c tanggol na anak mo.”

Abangers naman ang mga manonood at ang mga Marites na netizens sa magiging reaksiyon ni John hinggil sa nakakalokang chika na ito.

Bakit nga ba pumili ng mga social media influencers si Coco Martin na maging parte ng ‘Batang Quiapo’?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

‘Batang Quiapo’ nina Lovi at Coco hindi lang 1 taon ang itatagal sa ere, matalbugan nga kaya ang ‘FPJ’s Ang Probinsyano’?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending