'Batang Quiapo' nina Lovi at Coco hindi lang 1 taon ang itatagal sa ere, matalbugan nga kaya ang 'FPJ's Ang Probinsyano'? | Bandera

‘Batang Quiapo’ nina Lovi at Coco hindi lang 1 taon ang itatagal sa ere, matalbugan nga kaya ang ‘FPJ’s Ang Probinsyano’?

Reggee Bonoan - May 03, 2023 - 04:56 PM

Batang Quiapo nina Lovi at Coco hindi lang 1 taon ang itatagal sa ere, matalbugan nga kaya ang 'FPJ's Ang Probinsyano'?

CURIOUS kami kung para saan ang pa-grand presscon ng Kapamilya TV series na “FPJ’s Batang Quiapo” bukas.

Dadaluhan ito ng buong cast sa pangunguna nina Coco Martin, Lovi Poe, John Estrada, Christopher de Leon, McCoy de Leon, Cherry Pie Picache, Alan Paule, Pen Medina, Lou Veloso, Bigmak, Baby Giant, Ryan Martin, Mammoth, Jojit Lorenzo, Benzon Dalina, Ronnie Lazaro, Dindo Arroyo, Julio Diaz, Lorna Tolentino at Ms. Charo Santos Concio.

Magpapasalamat kaya ang buong Team Batang Quiapo sa lahat ng media na nakatulong sa kanila dahil magaganda ang mga nasusulat tungkol sa umeereng kuwento ng “FPJBQ”?

May balitang hindi lang isang taon tatakbo ang kuwento ng “BQ” tulad din ng nangyari sa “FPJ’s Ang Probinsyano”. Posible nga kayang higitan pa nito ang pitong taon pamamayagpag ng naunang action-drama ni Coco?

O, baka dadalaw na sila sa ibang lugar o probinsya at hindi lang sa Quiapo iikot ang kuwento ng serye nina Coco at Lovi?

Anyway, effective talagang kontrabida si LT dahil pagkatapos ng “Ang Probinsyano” ay dito naman siya sa “Batang Quiapo” gagawa ng kanyang grupo para maging Reyna ng Quiapo. At dalawa ang love interest niya sa kuwento, sina Julio Diaz at Sen. Lito Lapid, huh?

Baka Bet Mo: Bakit nga ba pumili ng mga social media influencers si Coco Martin na maging parte ng ‘Batang Quiapo’?

* * *
Handog ng iWantTFC ang iba’t ibang kwentong tampok ang pagmamahal ng isang ina para sa special selections nila ng mga movie at series ngayong Mayo.

Ipagdiwang ang Mother’s Day sa Mayo 14 sa pamamagitan ng panonood ng mga palabas sa “Tribute to Mothers” selection na siguradong pupukaw ng damdamin. Nariyan ang “Misis Piggy” ni Sylvia Sanchez, “My Single Lady” ni Jodi Sta. Maria, “Ekstra” ni Vilma Santos, “Ang Tanging Ina” ni Ai Ai delas Alas, at iba pa.

Mga nakakaantig din na kwento ng kababaihan at pagmamahal para sa pamilya ang matutunghayan sa “Buhay OFW” selection. Mapagpipilian ang mga pelikulang “Caregiver” ni Sharon Cuneta, “Hello, Love, Goodbye,” ni Kathryn Bernardo, “Anak” ni Vilma Santos, “Malaya” ni Lovi Poe, at marami pang iba.

Masusuportahan din ng mga Pinoy ang kani-kanilang mga pambato sa Miss Universe dahil mapapanood sa iWantTFC ang Miss Universe Philippines 2023 sa Mayo 13.

Tuloy-tuloy din ang pageant fever sa iWantTFC dahil “beauty and brains” naman bilang mga aktres ang ipapamalas ng mga dating beauty queen sa special selection na “Beauty Queens Turned Actresses.”

Mapapanood sina Gloria Diaz, Maxine Medina, at Winwyn Marquez sa iWantTFC original series na “Beauty Queens,” habang tampok si Pia Wurtzbach sa mga palabas na “My Perfect You,” “Gandarrapiddo:  The Revenger Squad,” at “My Papa P.”

Simulan na ang movie marathon at i-stream ang mga movie at series na ito nang libre sa Pilipinas sa iWantTFC app (iOs at Android) o website (iwanttfc.com).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Vice super proud kay Coco: ‘Mag-BFF na kami wala pa kami sa showbiz tapos ngayon Primetime King na! Kakakilabot!’

Wish ni Lovi tinupad ng ABS-CBN, makakatambal na si Coco: Hindi pa rin ako makapaniwala na ginagawa ko na ang ‘Batang Quiapo’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending