Chanda Romero parang ketongin kung layuan ng mga tao

Chanda Romero naglayas; parang ketongin kung layuan ng mga tao

Ervin Santiago - January 29, 2024 - 08:52 AM

Chanda Romero parang ketongin kung layuan ng mga tao, nilayasan ang pamilya

Chanda Romero

FEELING ng veteran actress na si Chanda Romero ay isa siyang taong may sakit na nakakahawa noong kanyang kabataan.

Talaga raw para siyang may ketong habang lumalaki siya dahil iniiwasan siya ng mga kababayan nila sa Cebu dahil sa pagiging produkto ng broken family.

Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit nagdesisyon siyang iwan ang Cebu at makipagsapalaran na lang sa Maynila.

“What happened to me was I think I had the misfortune of being born three going on 33, meaning I was so precautious.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chanda Romero AT LAST (@chandaromero_atlast)


“I could see things and absorb things that no child should absorb, conversations and fights that I would overhear about other women as early as three. And I would retain that,” ang rebelasyon ni Chanda sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong nagdaang Huwebes.

Baka Bet Mo: Herlene Budol ibinuking ng 2 veteran stars, palaging umiiyak kapag sumasablay sa eksena pero marespeto sa mga katrabaho

Pagbabahagi ni Chanda kay Tito Boy, pito silang magkakapatid at 12 years old pa lang daw siya nang iwan sila ng kanilang tatay.

“Sa eskuwelahan namin, eskuwelahan ng mga madre, exclusive girl school, I was an outcast, because the parents of my classmates would go, ‘Do not associate with her, because she is a product of a broken family’ like you were a leper.

“It was like being a leper, like you have this contagious disease,” lahad ng beteranang aktres.

Nasa second year high school na raw siya nang tumigil siya sa pag-aaral at umalis ng Cebu para magtungo sa Maynila para ipagpatuloy doon ang kanyang buhay.

“What could someone with no high school diploma, what would I be doing here in Manila? I had no answers for that, I had no plans, I just wanted to get out of there.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chanda Romero AT LAST (@chandaromero_atlast)


“I had to get out of Cebu. I ran away from home, I quit school. I came to Manila with only 50 bucks not knowing what I was going to do here,” pagbabahagi ni Chanda.

Hanggang sa mapasok na nga siya sa mundo ng showbiz nang ma-discover ng Tagalog Ilang-Ilang Productions habang nagmo-model.

Baka Bet Mo: Gloria Romero muling nakausap ang dating guro na 100 years old na ngayon: Nakakaiyak naman po…

Anim na pelikula ang nagawa ni Chanda noong nagsisimula pa lamang siya kung saan nakasama niya si Vilma Santos at kasunod nga nito, kinilala na siya bilang magaling na aktres.

Natatandaan pa raw niya na binayaran siya sa isang pelikula ng P500 at ang unang tsekeng natanggap niya sa showbiz ay P100.

“I just lived day after day after day. I was like ‘Huh! Bahala na si Batman,’” sey ni Chanda.

Kahit dekada na ang itinatakbo ng kanyang showbiz career, hindi pa rin niya iniisip na nagtagumpay siya sa kanyang career. Gusto pa rin daw niyang matuto at makagawa ng marami pang serye at pelikula.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Maybe there is one step more. Maybe there is more space in this room that I can move,” sabi ni Chanda Romero.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending