Dingdong binigyan ng tribute si Marian ngayong Labor Day, tinawag na 'incredible woman'; may pa-shoutout din sa manggagawang Pinoy | Bandera

Dingdong binigyan ng tribute si Marian ngayong Labor Day, tinawag na ‘incredible woman’; may pa-shoutout din sa manggagawang Pinoy

Ervin Santiago |May 01,2023
facebook
share this

Dingdong binigyan ng tribute si Marian ngayong Labor Day, tinawag na ‘incredible woman’; may pa-shoutout din sa manggagawang Pinoy

Ervin Santiago - May 01, 2023 - 03:12 PM

Dingdong binigyan ng tribute si Marian ngayong Labor Day, tinawag na 'incredible woman'; may pa-shoutout din sa manggagawang Pinoy

Dingdong Dantes at Marian Rivera

KASABAY ng pagdiriwang ngayon ng Labor Day, May 1, binigyan ng tribute ni Dingdong Dantes ang pinakamamahal niyang asawa na si Marian Rivera.

Puring-puri ng Kapuso Primetime King ang kanyang wifey dahil sa kasipagan nito at lalo na sa pagmamahal at pagrespetong ibinibigay ni Marian sa kanilang mga staff.

Sa pamamagitan ng Instagram, nag-post si post Dingdong ngayong araw ng mga litrato ni Marian habang nagpa-pack ng mga regalo para sa kanilang mga kasambahay at mga empleyado.

Walang make-up at simpleng-simple ang ayos at damit ni Marian sa mga naturang pictures. Sey ni Dingdong sa caption ng kanyang IG post, “Good morning to this incredible woman who runs our household.

“Despite it being a holiday today, I woke up a little later than usual and saw her downstairs, busy with something.

“As I made my way to the living room, I saw her packing goodie bags for our company party tonight,” ang pahayag pa ni Dingdong patungkol kay Marian.

Kasunod nito, binigyang-parangal din ni Dingdong ang lahat ng nanay at mga homemakers na patuloy na nagpapakahirap at nagsasakripisyo para sa kanilang mga pamilya at mga mahal sa buhay.

Baka Bet Mo: Dingdong Dantes ibinuking ang ugali ni Tirso Cruz III; ‘Voltes V: Legacy’ ng GMA 7 extended sa mga sinehan

“Let’s give a shoutout to all the amazing homemakers out there who work tirelessly to make their homes a comfortable and loving place.

“And happy Labor Day to all the hardworking individuals, regardless of what kind of work you do–who strive to make a difference every day,” ang pahayag pa ng Kapuso actor at TV host para sa lahat ng manggagawang Filipino.

Samantala, bukod sa pagiging game master sa highest-rating Kapuso game show na “Family Feud”, malapit na ring mapanood si Dingdong bilang host ng “The Voice Generations” at sa upcoming GMA suspense-thriller series na “Royal Blood.”

Related Chika:

Edu Manzano emosyonal sa birthday greeting kay Luis: Incredibly proud of the man you have become

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Alice Dixson ipinakita ang kanyang baby girl

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending