Dingdong emosyonal nang mapanood si Zia na nagpi-piano, pero parang may malalim na hugot: 'Everything’s gonna be alright...' | Bandera

Dingdong emosyonal nang mapanood si Zia na nagpi-piano, pero parang may malalim na hugot: ‘Everything’s gonna be alright…’

Ervin Santiago |May 01,2023
facebook
share this

Dingdong emosyonal nang mapanood si Zia na nagpi-piano, pero parang may malalim na hugot: ‘Everything’s gonna be alright…’

Ervin Santiago - May 01, 2023 - 09:03 AM

Dingdong emosyonal nang mapanood si Zia na nagpi-piano, pero parang may malalim na hugot: 'Everything’s gonna be alright...'

Zia Dantes

PROUD na proud ang mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes sa panganay nilang anak na si Maria Letizia o Zia habang pinanonood ang piano recital nito last Saturday, April 29.

Talagang ibinandera nila sa kani-kanilang Instagram account ang kaligayahang nararamdaman matapos masaksihan ang pagpe-perform ni Zia sa harap ng maraming tao.

Makikita sa mga litratong ibinahagi ng Kapuso Primetime Queen si Zia na nagpe-play ng piano at may caption na,
“Attended Zia’s piano recital yesterday and this little girl always amazes me!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Couldn’t be more proud of you Ate Z!” ang mensahe pa ni Marian sa super talented na anak nila ni Dong.

Sa IG page naman ng Kapuso Primetime King na si Dingdong, makikita ang ilan pang pictures ni Zia kalakip ang kanyang message para sa anak.

Baka Bet Mo: Bakit isinasama ni Dingdong si Zia kapag nagbo-voice over sa ‘Amazing Earth?

Feeling emotional daw ang award-winning actor habang pinanonood si Zia sa kanyang piano recital on stage. Tila may hugot din ang kanyang post kung saan nabanggit nito ang mga pinagdaanang “challenges and setbacks in the past few weeks.”

“But amidst the chaos, there are moments like this — watching my daughter play the piano with grace in her first recital.

“Suddenly, I snap out of the worry and all I see is beauty,” pahayag ng host ng “Family Feud”.

Pagpapatuloy pa niya, “It reminds me to hold onto hope and find comfort in life’s little moments, and that everything’s gonna be alright.

“Everything’s gonna be alright,” ang tila may hugot pang pahayag ni Dong.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes)


Bumuhos naman ang pagbati kay Zia mula sa mga IG followers ng kanyang mga magulang, kabilang na riyan ang ilang celebrity friends ng DongYan.

“You are amazing, Zia!!!” ang komento ng aktres at isa na ring nanay na si Iza Calzado.

Sey naman ng kaibigang aktres ni Marian na si Ana Feleo, “Naiyak naman ako. Look at that joy! Beautiful, strong fingers! Beautiful playing! Congrats, Zia and congrats to her piano teacher!”

Ang iba pang bumati at bumilib kay Zia ay sina Carla Abellana, Diana Zubiri, Rocco Nacino, Gabby Eigenmann,  Charlene Gonzales at marami pang iba.

Last March, ibinandera rin ni Marian ang pagiging proud mommy nang manalo ng gold medal si Zia sa isang swimming competition.

“So proud of you mahal,” ang caption ng actress-TV host sa winning moment ng anak

Nauna naman dito, ibinahagi rin ng celebrity mom sa kanyang IG followers ang pagkapanalo ng bunsong anak na si Sixto sa isang taekwondo competition kung saan nakatanggap din ito ng gold medal.

Marian payag na sa face-to-face classes ni Zia: Gusto kong matuto talaga siya ng totoong buhay sa labas

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Andi proud na proud kay Ellie; ‘piano video’ ng anak winner sa socmed

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending