Dingdong Dantes, Marian Rivera kinabahan nang mabalitaan ang nangyaring 'silent seizure' ni Boobay | Bandera

Dingdong Dantes, Marian Rivera kinabahan nang mabalitaan ang nangyaring ‘silent seizure’ ni Boobay

Therese Arceo |April 22,2023
facebook
share this

Dingdong Dantes, Marian Rivera kinabahan nang mabalitaan ang nangyaring ‘silent seizure’ ni Boobay

Therese Arceo - April 22, 2023 - 08:30 PM

Dingdong Dantes, Marian Rivera kinabahan nang mabalitaan ang nangyaring 'silent seizure' ni Boobay

HINDI maiwasan ng mag-asawang sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang mag-alala matapos mabalitaan ang nangyari kay Boobay.

Matatandaang nagkaroon ng silent seizure ang komedyante habang live itong ini-interview ng King of Talk na si Boy Abunda.

Agad raw nakarating ang balita kila Dingdong dahil may nag-send daw ng link ng video sa kanyang asawang si Marian ng nangyari.

Aniya, nasa dinner daw silang mag-asawa noong malaman ang patungkol kay Boobay at agad raw itong tinawagan ng Kapuso Primetime Queen ngunit hindi raw ito nasagot.

“Kinabahan kami. We were really really worried kasi alam nating talagang si Boobay, syempre nanggaling sa isang karamdaman na nakapag-recover naman siya doon, so when I saw it ‘how was he?’,” tanong ni Dingdong kay Boy nang mag-guest ito sa “FTWBA”.

Dito nga ay nakuwento ni Boy na sa una ay hindi nila napansin na may iniinda ito dahil masaya itong dumating sa studio at inakala lang niya na nagiging emosyonal ito sa pag-alala sa journey niya sa simula ng kanyang karera.

“Sinusubukan namin siyang tawagan kagabi nung napanood namin pero naiintindihan naman namin kung hindi pa niya masasagot pero mabuting malaman na nasa mabuti siyang kalagayan ngayon at nagpapahinga siya,” sey ni Dingdong.

Baka Bet Mo: Boobay pinakaba ang madlang pipol, biglang nag-hang sa ‘Fast Talk with Boy Abunda’

Ani Dingdong, parati nga raw sinasabihan ni Marian ang kaibigan na mag-ingat at algaan nito ang sarili lalo na’t na-stroke na ito noong November 2016.

Siniguro naman ng aktor na magkakausap sila nina Boobay matapos ang kanyang guesting kay Boy.

Itinuturing ng asawa ni Dingdong ang komedyante bilang bff o bestfriend niya dito sa industriya.

Matatandaang naging malapit si Boobay kay Marian nang nagkasama sila sa Kapuso variety show na “Extra Challenge” kasama ang aktor na si Richard Gutierrez.

Mas naging malapit pa nga ang dalawa dahil sa mga proyektong pinagsamahan lalo na nang magkatrabaho silang muli sa naging talk show ng asawa ni Dingdong na “Yan Ang Morning”.

Si Marian rin ang gumawa ng paraan para mailipat siya noon sa mas magandang ospital para maibigay ang mga pangangailang medikal nito upang makatulong sa kanyang agarang paggaling. Siya rin ang gumastos sa medical bills nito na habangbuhay ipinagpapasalamat ni Boobay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Marian ibinuking na mas madalas ‘mangalabit’ si Dingdong pag may ‘pangangailangan’; DongYan handa na sa baby No. 3

Dingdong Dantes, Charo Santos magsasama sa isang pelikula

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending