Dingdong Dantes, Charo Santos magsasama sa isang pelikula | Bandera

Dingdong Dantes, Charo Santos magsasama sa isang pelikula

Pauline del Rosario |December 03,2022
facebook
share this

Dingdong Dantes, Charo Santos magsasama sa isang pelikula

Pauline del Rosario - December 03, 2022 - 01:10 PM

Dingdong Dantes, Charo Santos magsasama sa isang pelikula

PHOTO: Instagram/@dongdantes

KASALUKUYAN nang ginagawa ang upcoming movie project ng veteran movie icon na sina Charo Santos at beteranong aktor na si Dingdong Dantes.

‘Yan ay matapos nilang ibandera sa social media ang pasilip ng kanilang pelikula together.

Wala pang detalye tungkol sa proyekto, pero makikita sa Instagram post ni Dingdong na ang pamagat nito ay “Love After Love.”

Kahit ang aktor ay hindi maitago ang kanyang excitement at ipinakita pa ang ilang litrato kasama ang batikang aktres.

ibinunyag pa niya na sa susunod na taon na nila planong umpisahan ang taping nito.

Caption niya sa IG post, “It’s finally happening!

“After years in the making, this script will be brought to life…sometime next year.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes)

Si Tita Charo din ay mukhang excited na at ibinahagi rin sa kanyang Instagram account ang ilang kaparehong pictures mula sa post ni Dingdong.

Sinabing pa niya tatlong taon na raw binubuo ang pelikula.

Post ni Charo, “3 years in the making…”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Charo Santos (@charosantos)

Maraming kapwa-artista naman ang natutuwa sa bagong update ng dalawa.

Ilan lamang sa mga napa-comment ay sina Bea Alonzo, Bianca Gonzalez, Gerald Napoles at ang misis ni Dingdong na si Marian Rivera.

Kamakailan lang ay itinanghal na “Best Actress” si Tita Charo sa  5th The EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).

Ito ay para sa kanyang pagbida sa pelikulang “Kun Maupay It Panahon” na tungkol sa mga naging biktima ng bagyong Yolanda.

Si Dingdong naman ay may bagong bahay na proud niyang ipinasilip sa social media nitong nakaraan lamang.

Ayon pa sa aktor, dalawampung taon ang tinagal bago naitayo ang mala-resort niyang bahay.

Sey pa nga niya sa isang IG post, excited na siyang pinturahan ito ng masayang alaala kasama ang kanyang pamilya.

Post niya, “We work hard to build it—founded on all the learnings and sacrifices for us to achieve it.

“Soon to be “painted” with the memories we will be creating, and love that we will be sharing within— possibly for generations to come.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes)

Related chika:

Dingdong ibinandera ang mala-resort na bahay nila ni Marian: 2 dekadang pinagsikapan

Mel Tiangco tumangging mag-guest sa Family Feud ni Dingdong: Ayoko baka wala akong masagot, mapapahiya ka pa!

Charo gusto pang makagawa ng maraming pelikula at teleserye; ‘MMK’ mapapanood na sa 41 bansa sa Africa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending