Charo gusto pang makagawa ng maraming pelikula at teleserye; 'MMK' mapapanood na sa 41 bansa sa Africa | Bandera

Charo gusto pang makagawa ng maraming pelikula at teleserye; ‘MMK’ mapapanood na sa 41 bansa sa Africa

Ervin Santiago - November 30, 2022 - 08:07 AM

Charo gusto pang makagawa ng maraming pelikula at teleserye; 'MMK' mapapanood na sa 41 bansa sa Africa

Charo Santos

MAGKAHALONG lungkot at kaligayahan ang nadarama ng actress-TV host na si Charo Santos sa pagtatapos ng “Maalaala Mo Kaya” (MMK) makalipas ang 31 years.

Ngayong darating na Disyembre ay tuluyan nang magpapaalam ang “MMK” sa ABS-CBN kaya naman natanong si Charo kung ano na ang plano niya sa kanyang showbiz career.

Sey ng award-winning veteran actress na siyang nagwaging best actress (para sa Kun Maupay It Panahon) sa katatapos lamang na 5th The EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd), sana raw ay makagawa pa siya ng maraming pelikula at makasama sa mga teleserye.

“Gusto kong gumawa ng pelikula. At saka sana ay may serye na dumating, hindi ba?” sabi ni Charo sa nasabing panayam.

At tungkol nga sa pamamaalam sa ere ng “MMK”, nalulungkot din siya sa nangyari, “But all things must come to an end. I’m just so grateful for the 31 years that the viewers supported ‘Maalaala Mo Kaya.’

“What can I say? I can only say thank you. Thank you so much for all the years that they’ve supported ‘Maalaala Mo Kaya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Charo Santos (@charosantos)


“At saka nakakataba ng puso na we’re on our last two episodes ay talagang lungkot at panghihinayang ang naririnig mo sa avid fans ng programa. But you know ganoon ang buhay. Life goes on,” katwiran pa ng aktres.

Chika pa ng premyadong aktres, “Nakakatuwa nga, nakakataba ng puso lahat ng mga magagandang feedback na naririnig mo sa kanila.

“I have a grateful heart na naka-contribute naman ang ‘Maalaala Mo Kaya ‘sa larangan ng entertainment. Sa pagdadala ng mga kuwento na puno ng aral, ng pag-asa.

“It also presented a slice of life of the Filipinos at ang daming aral na dinala, so nakakatuwa. Nakakatuwa kapag binabasa ko ang comments ng mga fans sa social media na nalulungkot sila,” dugtong ni Charo.

At sa question naman kung may chance pa kayang magbalik ang  “MMK”, “Naku hindi ko po alam ‘yan. Pero binili ng Africa sa 2023 it will be shown in 41 countries in Africa.

“So I am now dubbing the MMK episodes into English. Who knows di ba, one day Korean naman?

“Sana magustuhan din ng audience sa Africa and I’m sure ang mga Filipino, ang mga kababayan natin na nasa Africa ayan mayroon na naman silang programa na sasalamin sa kanilang buhay. It’s such an achievement nakaka-proud,” pahayag ni Charo Santos.

Ipinalabas ang unang episode ng “MMK” noong May 15, 1991, na may titulong “Rubber Shoes” na pinagbidahan nina Romnick Sarmenta at Vina Morales.

Mel Tiangco inaming hindi matatalo ang ‘Maalaala Mo Kaya’: It is a class of its own

Dawn Chang bibida sa makulay na life story ni Madam Inutz sa ‘MMK’, mga itinatagong lihim mabubuking

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Enchong sa 30th anniversary episode ng MMK: Ang bigat pala ng responsibilidad na ‘to!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending