Dawn Chang bibida sa makulay na life story ni Madam Inutz sa 'MMK', mga itinatagong lihim mabubuking | Bandera

Dawn Chang bibida sa makulay na life story ni Madam Inutz sa ‘MMK’, mga itinatagong lihim mabubuking

Ervin Santiago |May 05,2022
facebook
share this

Dawn Chang bibida sa makulay na life story ni Madam Inutz sa ‘MMK’, mga itinatagong lihim mabubuking

Ervin Santiago - May 05, 2022 - 09:43 AM

Madam Inutz at Dawn Chang

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang viral online seller at dating “Pinoy Big Brother: Kumunity” celebrity housemate na si Daisy Lopez o mas kilala bilang si “Madam Inutz” sa bagong blessing na dumating sa buhay niya.

Hindi raw talaga niya in-expect na darating ang araw na maipalalabas sa longest-running Kapamilya drama anthology na “Maalaala Mo Kaya” ang kanyang life story.

Yes, mapapanood na nga sa “MMK” ni Charo Santos-Concio ang inspiring at makulay na buhay ni Madam Inutz na siguradong kapupulutan ng maraming aral ng manonood.

Ang napili ng produksyon ng “MMK” na gumanap bilang Madam Inutz sa two-part Mother’s Day special na ito ay ang actress-dancer na si Dawn Chang.

Sa naganap na online presscon para sa nasabing episode ng “MMK”, inihayag ni Madam Inutz ang sobrang kaligayahan na mabigyan ng chance na maibahagi ang kanyang kuwento sa madlang pipol, lalo na ang mga pinagdaanan  niyang pagsubok bilang single mom.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Madam Inutz (@daisyinutz)


Aniya, never niyang na-imagine na maipalalabas ang kanyang life story sa “MMK”, “Hindi talaga, kahit sa panaginip. Kahit ‘yung mag-viral ako hindi ko rin inasahan. As in wala talaga akong inaasahan sa buhay.

“Basta ako, lagi lang akong positive sa buhay kasi. Wala akong inasahan na mga bagay-bagay na mangyayari sa akin. Kaya nung nangyari ito, super grateful talaga ako,” pahayag ni Madam Inutz.
Aniya pa, “Sa sobrang hirap ng pinagdaanan ko, nandito pa rin ako at patuloy na lumalaban.

“Patuloy na naghahanap-buhay para sa magulang ko, sa mga anak ko. Ang hirap ipaliwanag talaga ng mga nangyayari, hanggang ngyon hindi pa rin ako makapaniwala,” diin ng komedyana.

Para naman kay Dawn Chang, isang malaking challenge rin sa kanya ang gumanap bilang Madam Inutz, “Si Daisy ay product ng kung ano ang pagpapalaki ni nanay Criselda sa kanya.

“Kaya kung mapapanood ng ating mga Kapamilya ang episode na ito ay makikita nila kung gaano kabuti ang kalooban ni Daisy.

“Kung paano siya naging Madam Inutz, it’s the drive because lahat ito para sa magulang, para sa pamilya,” chika ng aktres.

Ang Mother’s Day special na ito ng “MMK” ay mula sa direksyon ni Raz dela Torre at sa panulat ni Arah Jell Badayos.

Mapapanood ito ngayong May 7 at sa May 14 sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, TFC, at A2Z Channel 1, 8:45 p.m..

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makakasama rin dito ang mga dating “Pinoy Big Brother” housemates na sina Gino Roque at Pamu Pamorada.

Madam Inutz muling pinaiyak ang ina; maraming isinakripisyong raket para sa ‘PBB 10’

Madam Inutz pinayagang mag-live kahit nasa PBB House para makatulong sa pamilya

Buhay ni Karen Bordador sa loob ng kulungan ibabandera sa MMK: Kapit lang tayo guys, God is good!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending