Dingdong ibinandera ang mala-resort na bahay nila ni Marian: 2 dekadang pinagsikapan | Bandera

Dingdong ibinandera ang mala-resort na bahay nila ni Marian: 2 dekadang pinagsikapan

Pauline del Rosario |November 21,2022
facebook
share this

Dingdong ibinandera ang mala-resort na bahay nila ni Marian: 2 dekadang pinagsikapan

Pauline del Rosario - November 21, 2022 - 01:05 PM

Dingdong ibinandera ang mala-resort na bahay nila ni Marian: 2 dekadang pinagsikapan

PHOTO: Instagram/@dongdantes

MAY pasilip ang Kapuso actor na si Dingdong Dantes sa kanyang bagong bahay.

Ibinandera niya ito mismo sa kanyang social media.

Makikita sa litrato ang mala-resort na bahay habang nakatalikod si Dingdong at nagtatampisaw sa kanilang swimming pool.

Ayon pa kay Dingdong, dalawampung taon ang tinagal bago maitayo ang bagong bahay.

Caption niya sa Facebook, “Ang tahanan ng aking pamilya. Naitayo ng ilang ilang taon, pero dalawang dekadang pinagsikapan.”

Patuloy pa niya, “Pagkakaingatan, ipalalaganap ang pagmamahalan, at ipapamana ang mabubuting ala-ala.

“Huwag ipaubaya ang pangarap sa iba. Subukan ang subok na.”

May kaparehong post din ang aktor sa Instagram, pero iba ang kanyang nilagay sa caption.

Sinabi ni Dingdong sa IG na pinaghirapan nilang itinayo ang bagong bahay at excited na raw siyang pinturahan ito ng masayang alaala.

Post niya, “We work hard to build it—founded on all the learnings and sacrifices for us to achieve it.

“Soon to be “painted” with the memories we will be creating, and love that we will be sharing within— possibly for generations to come.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes)

Kasunod niyan ay nag-post din siya ng isang family picture habang nasa pool at sinabing, “Dreams do come true, even at forty two. Never give up.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes)

Nitong buwan lamang nang inanunsyo ng celebrity couple na sina Dingdong at Marian Rivera na lumipat na sila sa kanilang bahay.

Matatandaang ikinasal ang dalawa noong 2014 at biniyayaan ng dalawang anak na sina Zia at Ziggy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related chika:

Marian aminadong praning at OA na nanay; Dingdong may espesyal na misyon bilang celebrity

Bea, Dingdong, Ai Ai, Julie Anne, Rayver magpapasabog ng good vibes sa US; maraming sorpresa para sa mga Pinoy 

‘Pambansang Katrabaho’ Billy Crawford naikot na ang 3 major TV network; ‘hinamon’ sina Vic, Marian at Dingdong

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending