‘Pambansang Katrabaho’ Billy Crawford naikot na ang 3 major TV network; ‘hinamon’ sina Vic, Marian at Dingdong
“PAMBANSANG katrabaho.” Yan ang paglalarawan ni Billy Crawford sa sarili dahil halos naikot na nga niya ang tatlong major TV networks sa Pilipinas.
Mapapanood na araw-araw ang TV host-singer at dancer sa telebisyon — Lunes hanggang Sabado sa noontime show ng TV5 na “Lunch Out Loud” at tuwing Linggo nga sa bagong game show ng GMA 7 na “The Wall Philippines.”
Bago nga maging Kapatid at Kapuso si Billy, alam naman ng lahat na ilang taon din siyang naging Kapamilya kaya saktung-sakto sa kanya ang “Pambansang Katrabaho” na iilang celebrities lamang ang nakagagawa.
Nakachikahan namin at ng iba pang members ng entertainment media si Billy recently para sa pagsisimula ng “The Wall Philippines” na isang bonggang joint venture ng Viva Television at ng Kapuso Network at mapapanood na simula sa Linggo, August 28, 3:35 ng hapon.
Dito nga ibinalita ng TV host na babalik muna siya sa France kasama ang kanyang pamilya para sa “Danse avec les stars”, ang French version ng American dance competition series na “Dancing with the Stars” na magsisimula na sa September.
At kahit nga wala sa Pilipinas si Billy, hindi pa rin siya mami-miss ng mga Pinoy dahil sa bago niyang game show sa GMA 7.
View this post on Instagram
Kuwento ng singer, sa pagbabalik niya sa Kapuso network na nakilala nga bilang protege ng yumaong Master Showman na si German “Kuya Germs” Moreno sa “That’s Entertainment.”
“You know I will never get tired of saying na I feel welcomed again, I feel at home. I feel na my home was renovated. ’Yun lang ‘yung pakiramdam ko.
“Kasi nu’ng pumasok ako, nu’ng unang araw pa lang, nu’ng nagpu-promo shoots kami d’yan sa GMA building, tumingin ako, nakasarado na, pero du’n lang ‘yung nagre-rehearse kami para sa That’s Entertainment before.
“So, you know, that was my home since I was four years old so saktung-sakto. This collaboration between Viva and GMA has given me, as a host an as an artist, an opportunity again to be freelance and to be able to work with kahit sino dito sa industriya natin and it’s such a blessing, especially sa panahon ngayon, in this specific time right now,” aniya.
Isang napakalaking blessing din daw ang mabigyan ng chance na makapagtrabaho sa iba’t ibang TV network, “Lahat naman may kapamilya, may kapatid, may kapuso. Ako ay ‘Pambansang Katrabaho.’
“Parang nananakit na ako, no! Ha-hahaha! Hindi, ‘yun nga, eh. Yes, nakikita na nga ako sa TV araw-araw.
“Sana maulit muli ‘yung habit ng mga Pinoy na manood kasama ng buong pamilya. Kahit ano namang programa ang panoorin nila, sana mag-enjoy lang sila sa content na pinu-produce ng katulad ng GMA.
“So, for me, yes, araw-araw n’yo akong makikita, kung ayaw ninyo akong makita, pasensya na po kayo, nanghihingi ako ng paumanhin,” ang natatawa pa ring chika ni Billy.
Samantala, kung may sikat na celebrities na nais ni Billy na maglaro sa “The Wall Philippines” na magsisimula na this coming Sunday, August 28, yan ay walang iba kundi sina Bossing Vic Sotto at ang Kapuso Royal Couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.
“Para malaman natin kung sino talaga ang boss sa kanila,” birong hirit pa ni Billy.
At bukod nga sa “The Wall Philippines”, may iba pang sorpresa ang Viva at GMA sa mga manonood, isa na nga riyan ang guesting niya sa longest-running gag show sa bansa, ang “Bubble Gang”.
https://bandera.inquirer.net/319093/billy-pumapasok-noon-sa-its-showtime-nang-lasing-muntik-nang-hindi-matuloy-ang-kasal-nila-ni-coleen
https://bandera.inquirer.net/309614/xian-gaza-nag-dm-kay-joshua-kung-alam-ko-lang-matagal-na-kitang-pinormahan
https://bandera.inquirer.net/320238/coco-martin-pambansang-bayani-ng-telebisyon-kung-may-forever-nga-lang-sa-probinsyano-bakit-hindi
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.