Mel Tiangco tumangging mag-guest sa Family Feud ni Dingdong: Ayoko baka wala akong masagot, mapapahiya ka pa! | Bandera

Mel Tiangco tumangging mag-guest sa Family Feud ni Dingdong: Ayoko baka wala akong masagot, mapapahiya ka pa!

Ervin Santiago - November 27, 2022 - 08:06 AM

Mel Tiangco tumangging mag-guest sa Family Feud ni Dingdong: 'Ayoko, baka wala akong maisagot...mapapahiya ka pa!'

Mel Tango

NAIMIBITAHAN na pala ang veteran news anchor at TV host na si Mel Tiangco sa hit Kapuso game show na “Family Feud” pero tinanggihan daw niya agad ito.

In fairness, ang daming chika ni Tita Mel nang muling humarap sa ilang members ng entertainment media sa kanyang solo presscon para sa 20th anniversary ng kanyang drama anthology na “Magpakailanman.”

Tuwang-tuwa ang veteran broadcaster nang makachika muli ang mga showbiz reporter nang face-to-face after almost three years. As in talaga raw na-miss niya ang mga physical events.

Napag-usapan nga sa naturang mediacon ang tungkol sa social media dahil may mga pagkakataong nagba-viral at nagte-trending siya at iba pang news anchors ng mga newscast, kabilang na ang “24 Oras” dahil sa kanilang bloopers.

Naaapektuhan pa ba siya rito? “Of course. Naiinis ka sa sarili mo na, ‘Bakit ko ba sinabi iyon?'”

“They are trending kasi there are positive and negative na mga ano du’n. Kapag positive, of course, I love it.

“It means that your televiewers love you, ganu’n lang yun, e. Kapag negative naman, gustung-gusto ko nang sumagot!” ang natawang chika ni Tita Mel.

Dagdag pa niya, “Kung minsan kasi, talagang the comments are totally uncalled for. The comments are out of this world. Parang ako ang magugulat na, ‘Ganu’n ba? Ganun ba ang ginawa ko?'”

“But you know, it’s part of the job. Pasok dito, labas du’n,” aniya pa.

Walang anumang personal social media account ang veteran broadcast journalist, “Ayoko nu’n!
Meron ako sa foundation, sa 24 Oras. Pero sa personal ko, hindi ko na kaya.”

“Kasi, hindi naman talaga ako… I mean, meron din talaga akong social media, yung sa foundation, sa Magpakailanman. Parang meron din naman. Pero wala akong vlog. Ayaw ko ng ganoon. Kung minsan, pagmumulan lang ng away. Iwas ka na lang, di ba?” paliwanag pa niya.

Pagpapatuloy pa niya, “Iniimbita nga ako sa Family Feud, ay ayoko, baka wala akong maisagot. Ang edad namin hindi na dapat ganoon, mapapahiya ka pa.”

Samantala, dalawang dekada na nga ngayon ang “Magpakailanman” kaya natanong si Tita Mel kung ano sa tingin niya ang sikreto ng show at nananatili itong isa sa mga top-rating show ng GMA.

“I think, it is the sincerity of the show, more than anything else. Yung mga televiewers namin, nakikita nila that this is a sincere show. Na talagang inihahandog namin for the televiewers.

“Kaya ang mga kuwento nito ay pawang totoong kuwento, di ba? Ano ang ibig sabihin? Kuwento ng bawat isa sa atin.

“Lahat kayo, puwedeng ilagay sa Magpakailanman. Why? Because we have our own story, all of us, each one of us.

“We have our own challenges, we have our own personal triumphs. Lahat iyan, meron tayong pinagdaanan. So, palagay ko, iyon, nakikita nila, e. Nakikita nila ang mga totoong kuwento, totoong tao,” aniya pa.

Sa mga Kapuso viewers, knows n’yo ba kung bakit “Magpakailanman” ang title ng kanilang show at kung bakit dagat ang background ng kanilang OBB o opening billboard.

“Because the body of water never ends…magpakailanman. Noong bumalik iyan on the air after five years, nag-isip nang nag-isip.

“Nakapag-suggest ako na, ‘So, kung hindi tubig, the only thing I can think of na magpakailanman is the sky.’ Yun iyon, kaya Magpakailanman, forever. So we were forever looking at the body of water,” paliwanag pa ni Tita Mel.

Mel umaming tinamaan din ng COVID, hindi pa nakakausap si Mike; Bea bibida sa anniversary horror episode ng #MPK

Dingdong gustong makasama sa serye si Jo Berry; iniba ang style ng pagho-host sa ‘Family Feud’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

‘Totoo nga ang tsismis…nakaka-tense, nakakaloka, nakakanerbiyos at ang saya-sayang sumali sa Family Feud!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending