Mel Tiangco nag-react sa ikalimang pagbubuntis ni Iya Villania

Mel Tiangco nag-react sa ikalimang pagbubuntis ni Iya Villania

Therese Arceo - September 07, 2024 - 02:43 PM

Mel Tiangco nag-react sa ikalimang pagbubuntis ni Iya Villania

ALIW ang naging reaksyon ng batikang mamamahayag na si Mel Tiangco matapos nitong malaman na buntis muli si Iya Villania.

Matatandaang noong Miyerkules, September 4, ibinahagi ni Iya sa kanyang Instagram page ang masayang balita na buntis siya sa ikalimang anak nila ng TV host-actor na si Drew Arellano.

Sa parehong araw rin ang pagbabalik ni Iya sa “24 Oras” matapos niyang magpahinga at magbakasyon ay mainit siyang sinalubong ng mga kasamahan na sina Mel Tiangco, Pia Arcangel, at Emil Sumangil.

Nagpaabot nga ng kanilang pagbati ang mga kasamahan ni Iya sa masayang balita na muli siyang nagdadalantao.

Baka Bet Mo: #BabyPaMore: Iya Villania buntis sa ika-5 anak nila ni Drew Arellano!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Kasabay nga ng pagbati ng kanyang mga kasamahan sa “24 Oras” ay ang panunukso ni Mel.

May pasimpleng tukso nga ang news anchor sa pagiging preggy ni Iya.

Hirit ni Mel, “Uy, welcome back from your two-day vacation. Ha? Tapos may baby nang dala at panglima?

“Ano ba yun, Drew? Ngayon lang ako nakarinig ng ganyan, ha?”

Kaya naman hindi napigilan ni Iya ang mapatawa pati na rin ng iba pa nilang kasamahan.

Talaga namang havey na havey ang naging banat ni Mel.

“Ay naku! Pero last na talaga. Last na talaga! We’re a growing family,” sey ni Iya.

Sagot naman ni Mel Tiangco, “Growing and growing and growing and growing! Congratulations. I’m so happy for you.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maging ang mga netizens ay may good vibes na comment sa kanyang naging reaksyon.

“Masanay ka na miss Mel, ganyan talaga kapag walang biyahe si Drew,” sey ng isang netizen.

“Soon to maternal leave na naman hehe kakabalik lang,” hirit naman ng isa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending