Iya Villania isinilang na ang Baby 5 nila ni Drew Arellano: Welcome, Anya Love!
ISINILANG na ng Kapuso actress at TV host na si Iya Villania ang Baby Number 5 nila ng asawang si Drew Arellano.
Mismong si Drew ang nagbahagi ng good news sa social media kalakip ang cute na cute na photo ng kanilang bagong silang na baby.
Sa caption, ipinakilala ng TV host ang ikalimang anak nila ni Iya na pinangalanan nilang Anya Love Villania-Arellano.
Ipinanganak si Anya Love ngayong araw, February 11, 2025 at exactly 10:52 a.m.. Siya ang ikalawang anak na babae ng celebrity couple.
Baka Bet Mo: Iya Villania pagod nang umire: Let’s end it with five
Matatandaang ibinandera nina Iya at Drew na madadagdagan na naman ang kanilang lumalaking pamilya noong September, 2024.
Inamin ni Iya na hindi nila planado ni Drew ang kanilang pagbubuntis pero winelkam pa rin nila ito nang bonggang-bongga. Sinabi rin ng “Chika Minute” segment host ng “24 Oras” na baka last na niya itong pagbubuntis.
Nitong nagdaang January 31, ibinahagi ni Iya ang ilan niyang litrato na kuha sa studio ng GMA 7 na may caption na, “Last day before we take a maternity break.”
“I’ve also started on Primrose evening oil to help soften cervix in preparation for delivery and that makes me nervous,” ani Iya.
Noong February 2, nagka-“false alarm” si Iya, “Stayed up from 2:30 AM to 5:30 AM monitoring contractions, only to find out that although they were consistent, they were too mild for any action.
“Still no pro even after four kids!” aniya pa.
Ikinasal sina Iya at Drew noong 2014. Ang apat pa nilang anak ay sina Primo, Leon, Alana, at Astro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.