12 Pinoy ibinandera sa Christmas episode ng CIA with BA

12 kahanga-hangang Pinoy ibinandera sa Christmas episode ng CIA with BA

Ervin Santiago - December 27, 2024 - 01:51 PM

12 kahanga-hangang Pinoy ibinandera sa Christmas episode ng CIA with BA

SA DIWA ng Kapaskuhan, ipinakita sa pinakabagong episode ng “CIA with BA” ang mga kwento ng kabutihan, kabayanihan at pagiging mapagbigay ng 12 kahanga-hangang indibidwal.

Sa pagninilay ng kanilang mga kuwento, ibinahagi ng award-winning host na si Boy Abunda ang kanyang natutunan — “Kindness begets kindness.”

“Hindi ko mabitawan sa aking isipan ‘yung sinabi ng isa sa ating mga panauhin na ang pagtulong is a privilege. Hindi ho tayo kinakailangang mayaman, sagana nang sobra, para makatulong,” paalala ni Tito Boy.

“Ako, alam naman ho ng mga Kapuso natin, na ako’y produkto po ng tulong ng napakaraming tao. Importante na marunong din tayong magbalik sa lahat ng grasya na ibinigay din ho sa atin. Ipagpatuloy ho natin ‘yung kultura ng kindness,” dagdag niya.

Baka Bet Mo: Kylie Padilla: ‘I’m not Christian but I believe in the spirit of Christmas’

Binanggit naman ni Sen. Alan Peter Cayetano na bagama’t malaki ang responsibilidad ng gobyerno, mahalaga rin ang pananagutan ng bawat isa.

“Kami ni Ate (Pia) would be the first to say na, ‘Obligasyon ng gobyerno ‘to,’ ‘Responsibility ng gobyerno ‘to,’ ‘Dapat ang gobyerno ganito…’ Pero talaga, ‘yung [mga] inaangal natin sa gobyerno, mawawala ‘yon kung lahat tayo ay gagawa ng ating bahagi,” paliwanag niya.

“Kung gagawa rin tayo ng New Year’s resolution, let’s start with responsibility. When we become responsible parts of the community, self-government before umangal sa gobyerno,” dagdag ni Sen. Alan.

Samantala, ibinahagi ni Sen. Pia Cayetano ang kanyang pananaw tungkol sa mental health, self-care, at wellness, lalo na sa gitna ng mga hamon.

“I’m always thinking ano ba ‘yung mashe-share ko sa mga tao about self-care, mental health, wellness, and I came across this tip that one way is to not watch the news,” aniya.

“Kasi ‘pag pinanood mo ang news nowadays, whether it’s international news or local, maraming segment don na tungkol sa krimen, tungkol sa patayan, tungkol sa calamities na nangyayari sa mundo—hindi ko sinasabi na hindi tayo dapat maging aware tungkol sa ganap.

“Pero ako kasi binabasa ko na lang kasi ‘yung visual image, sobrang laki ng impact sa’kin, nakaka-depress na malaman na may mga inosente tapos namatay, nabaril, nabaon,” paliwanag ni Sen. Pia.

Binigyang-diin niya ang epekto ng mga negatibong imahe at ang kahalagahan ng paghahanap ng balanse, “Now we are blessed that in our own show, we are able to share happy and uplifting stories.”

Sa kanilang mga pagninilay, pinaalalahanan nina Boy Abunda at ng magkapatid na Cayetano ang mga manonood tungkol sa mga halagang dapat pahalagahan ngayong kapaskuhan— kabutihan, pananagutan, at pangangalaga sa sarili.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa patuloy na pag-highlight ng “CIA with BA” sa mga kwento ng malasakit, nagbibigay-inspirasyon ang programa sa mga manonood na isabuhay ang mga halagang ito at dalhin ang mga ito sa darating na bagong taon.

Ang “CIA with BA” ay nagpapatuloy sa pamana ng yumaong Sen. Rene Cayetano at napapanood tuwing Linggo, 11:00 p.m. sa GMA 7, at may replay sa GTV tuwing Sabado, 10:30 p.m.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending