Marian ibinuking na mas madalas 'mangalabit' si Dingdong pag may 'pangangailangan'; DongYan handa na sa baby No. 3 Bandera

Marian ibinuking na mas madalas ‘mangalabit’ si Dingdong pag may ‘pangangailangan’; DongYan handa na sa baby No. 3

Ervin Santiago |January 25,2023
share this

Marian ibinuking na mas madalas ‘mangalabit’ si Dingdong pag may ‘pangangailangan’; DongYan handa na sa baby No. 3

Ervin Santiago - January 25, 2023 - 10:23 AM
Marian ibinuking na mas madalas 'mangalabit' si Dingdong pag may 'pangangailangan'; DongYan handa na sa baby No. 3

Dingdong Dantes at Marian Rivera

HANDANG-HANDA ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera kung sakaling bibigyan pa sila ni Dingdong Dantes ng ikatlong baby.

Chika ng actress-TV host, palagi niyang sinasabi na gusto talaga niya ng malaking pamilya kaya kung ilang anak ang ipagkakaloob sa kanila ni Lord ay iwe-welcome niya nang bonggang-bongga.

Sa unang episode ng “Fast Talk With Boy Abunda” na napapanood tuwing hapon sa GMA 7, bago mag-“Family Feud” ay natanong nga si Marian about having more children.

Sagot ng wifey ni Dingdong, “Minsan talagang susubukan ka rin at sasabihin talaga ng Panginoon na siya talaga ang pinakamakapangyarihan kahit anong plano mo kung hindi ibibigay sa ‘yo, hindi.

“So kung anong plano ni Lord para sa amin kung bigyan kami ng pangatlong pagkakataon why not, hindi ba?” sey ni Marian.

“Pero kung hindi (ibibigay), hindi na masama Tito Boy, meron akong Sixto ay Zia na super happy naman namin,” katwiran ng aktres.


Samantala, nagpaliwanag din si Marian tungkol sa isyu ng selosan na hindi naman talaga nawawala kahit pa sa solid na solid na relasyon ng mag-asawa. Paano nila ito hina-handle ni Dong?

“Meron kaming heart-to-heart talk. Hindi ’yon nawawala sa amin at hindi nawawala sa amin ang date namin every month.

“Kailangan meron talaga kaming ganu’n. kailangang nag-uusap kami kung, ‘Anong problema, anong masaya, anong nangyari sa ’yo?’

“Siguro in a relationship magandang open kayo sa isa’t isa. Ako, very vocal ako, e. Pag may nararamdaman ako, on the spot sasabihin ko sa kanya. ‘Ay, ayoko ito.’ ‘Ito ’yong nararamdaman ko.’

“So, alam na n’ya kung paano i-handle. At si Dong kahit hindi s’ya magsalita, sa tagal ng pagsasama namin, nababasa ko na s’ya. So, alam ko kapag may problema s’ya, alam ko pag masaya s’ya. Palagi kaming… in a way, sensitive kami sa isa’t isa lalo na sa nararamdaman namin,” paliwanag ng celebrity mom.

Sa isang bahagi ng programa, natanong ni Tito Boy si Marian kung sino sa kanila ni Dingdong ang unang nangangalabit tuwing “may pangangailangan.”

Napatulala nang bahagya ang aktres sabay tawa, “Parang ano, parang parehas kami. Ha-hahahaha!”

“Sino ang mas madalas?” ang pagpu-push ni Tito Boy sa question. “S’ya! Ayyyyyy! Ha-hahaha! S’ya talaga!”

Paliwanag ni Marian, “Very ano kasi si Dong, napaka-sweet na tao. At ang maganda kasi kay Dong, kahit ganu’n ’yong nakikita n’yo sa kanya, pero sa totoong buhay sobrang lambot n’ya na tao. Sobrang lovable talaga.

“At saka ’yung comedy n’ya, pag nagpapatawa s’ya, nakakatawa kasi parang hindi tuma-timing ’yong pagdyo-joke n’ya, na doon ako tawang-tawa. Alam n’ya kung paano ako paligayahin…literal,” chika pa ni Yanyan.

Napapanood ang “Fast Talk with Boy Abunda”, Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

Neri Miranda nahirapang maglihi kay Cash: Pero nu’ng nanganak ako ang bilis parang drive-thru lang

Ogie Diaz tanggap ang pagkapanalo ng tambalang Bongbong-Sara

Michael V tinamaan uli ng COVID-19: Kahit bad trip ako sa ‘yo, hinding-hindi kita makakalimutan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending