Michael V tinamaan uli ng COVID-19: Kahit bad trip ako sa ‘yo, hinding-hindi kita makakalimutan | Bandera

Michael V tinamaan uli ng COVID-19: Kahit bad trip ako sa ‘yo, hinding-hindi kita makakalimutan

Ervin Santiago - July 24, 2022 - 10:18 AM

Michael V

“ROUND 2….fight!” Yan ang hamon ng Kapuso TV host-comedian na si Michael V nang muling magpositibo sa COVID-19.

Ibinahagi ng beteranong komedyante sa kanyang social media followers ang tungkol dito sa pamamagitan ng kanyang Instagram at Facebook account kahapon, July 23.

Ipinost ni Bitoy ang litrato ng ginamit na testing kits sa kanya na may caption na, “Nakatanggap ako ng notification from my old friend, Covid.

“Matagal na kaming hindi nagkikita. Actually sinabihan ko na s’ya na ‘wag nang bumalik pero eto na naman s’ya… magha-‘HI’ lang daw at magpapa-alala na nandito lang s’ya sa tabi-tabi.

“Hindi naman daw talaga s’ya umalis, palipat-lipat lang s’ya ng bahay,” pahayag ng Kapuso comedy genius.

Matatandaang unang tinamaan ng COVID-19 si Bitoy noong July 18, 2020. Ito yung panahon ng kasagsagan ng pagkalat ng COVID-19 sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Makalipas ang 15 araw na self-isolation sa kanilang tahanan, napagtagumpayan naman ni Bitoy ang laban kontra-COVID at mula noon ay triple pa ang ginawa niyang pag-iingat para makaiwas sa killer virus.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Michael V. 🇵🇭 (@michaelbitoy)


Pagpapatuloy ni Michael V, “Kesyo nagbago na raw siya, hindi na raw siya kasing-lala ng dati. Pero hindi pa rin ako naniniwala. ‘Once a killer…’ well.”

Grabeng perwisyo na naman daw ang idinulot ng COVID sa kanya, “Siyempre inabala niya na naman yung pamilya ko, yung community namin, yung trabaho ko…

“Pati asawa ko, idinamay pa!” sey pa ni Bitoy.

Pero ipinagdiinan ng komedyante na hindi naman daw niya masisi nang bonggang-bongga ang COVID-19 dahil hanggang ngayon ay may mga pasaway pa rin na kahit may nararamdaman na ay lumalabas pa rin ng bahay.

“Kasi hindi rin naman siya (COVID) nagkulang ng paalala. Talagang matitigas lang ang ulo ng mga tao minsan,” ang hugot pa ng Kapuso comedian.

Ito naman ang message niya kay “COVID-19”, “Hindi ka pa rin welcome sa bahay.

“Pero salamat na rin sa dalaw. Hayaan mo… kahit bad trip ako sa ‘yo, hinding-hindi kita makakalimutan. Stay safe everyone,” pahayag pa ng bida at direktor ng Kapuso comedy shows na “Bubble Gang” at “Pepito Manaloto”.

https://bandera.inquirer.net/313329/michael-v-susundin-ko-ang-gobyerno-kahit-hindi-kita-binoto

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/290838/bitoy-sa-mga-ayaw-magpabakuna-ang-covid-vaccine-ay-hindi-perpekto-pero-epektibo
https://bandera.inquirer.net/294704/kuya-kim-pangarap-ding-makatrabaho-si-bitoy-sa-bubble-gang-may-bwelta-sa-bashers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending