Michael V ibinandera ang tattoo bilang alaala kay Francis M

Michael V ibinandera ang tattoo bilang alaala kay Francis M: Masakit pala siya!

Pauline del Rosario - March 07, 2025 - 11:12 AM

Michael V ibinandera ang tattoo bilang alaala kay Francis M: Masakit pala siya!

PHOTO: Instagram/@michaelbitoy

NITONG March 6 ang araw ng kamatayan OPM legend at Master Rapper na si Francis Magalona.

At bilang pag-alala at pagpupugay sa ika-16th death anniversary ngayong taon, ibinandera ng Kapuso award-winning TV host at comedian na si Michael V ang kanyang tattoo na sumisimbolo sa yumaong rapper.

Makikita sa Instagram post, ang throwback video na may petsang March 9, 2009 kung saan nagpapa-tattoo si Bitoy ng isang malaking araw at tatlong bituin sa kanyang likuran.

Kwento niya sa post, “16 years ago and 3 days after Kiko passed away, I did something na hindi kasama sa mga plano ko sa buhay.”

Baka Bet Mo: Michael V nagsalita na sa chikang matsutsugi na ang Pepito Manaloto

“I have nothing against tattoos except for the part na masakit pala s’ya,” chika pa ng komedyante.

Dagdag niya sa IG, “Pero minsan mas okey na ‘yung sakit na alam mo ang pinanggalingan kesa du’n sa bigla mo na lang mararamdaman.”

“FrancisM will live through his music. Everytime you listen to any of his songs, his memory will last a lifetime,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Michael V. 🇵🇭 (@michaelbitoy)

Sa comment section, mababasa na napa-comment ang isa sa anak ni Francis M na si Maxene Magalona.

Ang sey niya, “We love you Tito Bitoy [red heart, folded hands, heart hands emojis].”

Para sa mga hindi aware, ang batikang komedyante at Master Rapper ay matagal nang magkaibigan na nagkasama sa noontime variety show na “Eat Bulaga.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pumanaw si Francis M noong March 6, 2009 sa edad na 44 matapos makipaglaban sa sakit na Leukemia.

Ang ilan lamang sa mga iconic songs niya ay ang “Mga Kababayan,” “Kaleidoscope World,” “Man from Manila,” “Ito Ang Gusto Ko,” at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending