Michel V nagsalita na sa chikang tsugi na ang Pepito Manaloto

Michael V nagsalita na sa chikang matsutsugi na ang Pepito Manaloto

Ervin Santiago - April 22, 2024 - 08:15 AM

Michael V nagsalita na sa chikang matsutsugi na ang Pepito Manaloto

Jake Vargas, Michael V, Manilyn Reynes at Angel Satsumi

MARAMI ang nabahala at nalungkot nang kumalat ang chika na matsutsugi na sa GMA 7 ang sitcom nina Michael V at Manilyn Reynes na “Pepito Manaloto.”

Ang feeling kasi ng mga manonood ay tatapusin na ang naturang programa dahil sa ipinost ni Bitoy na “group hug” photo ng cast members sa kanyang Instagram account.

Ayon kay Michael V. hindi pa  magwawakas ang ”Pepito Manaloto” kaya walang dapat ikabahala ang kanilang mga loyal viewers.

Baka Bet Mo: ‘Pepito Manaloto’ nina Bitoy at Manilyn babu muna sa GMA

“Diretsahang sagot. Hindi,” ang pahayag ng Kapuso TV host-comedian sa panayam ng ”24 Oras Weekend” nitong Sabado.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pepito Manaloto OFC (@pepitomanalotofficial)


Patuloy pa niyang paliwanag, “‘Yung photo naman na ‘yon na lumabas, ‘yung group hug na ‘yon, actually ‘yung photo na ‘yun is ang nire-represent nu’n is ‘yung group hug namin, parang remembrance, appreciation.”

Ibig sabihin, tuluy-tuloy pa rin ang pagpapasaya ng “Pepito Manaloto” sa mga Kapuso viewers na tumatagal na ng 14 years sa ere.

“Natutuwa lang kami na after all these years na, after ng pandemic magkakasama pa rin kami,” sey pa ni Bitoy.

Baka Bet Mo: Bitoy: Hindi mawawala sa ere ang Pepito Manaloto at hindi rin ako lilipat ng network

Para naman kay Manilyn, hindi biro ang 14 years na pamamayagpag ng kanilang show sa GMA. Si Mane ang gumaganap na Elsa sa sitcom, ang butihing asawa ni Pepito.

“Naiiyak kami kasi hindi po namin naisip namin na hanggang ngayon, sa tinagal-tagal ng Pepito, 14 years na kami, talagang nandiyan sila, simula’t simula. Nakakataba ng puso,” sabi ni Manilyn.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pepito Manaloto OFC (@pepitomanalotofficial)


Saad pa ni Michael V, “Pepito Manaloto is more than just a fictional family on TV.

“It’s a real family that extends to its cast, writers, staff, crew, the network and most of all, our beloved audience.

“Maraming, maraming salamat po sa oras at pagmamahal ninyong lahat!”  mensahe pa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, ibinalita rin ni Bitoy na pinaghahandaan na nila ang summer special ng “Pepito Manaloto” na kukunan pa raw sa Nueva Ecija.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending