Michael V ibinandera ang sikreto sa 30 years nila ni Ayoi

Michael V ibinandera ang sikreto sa 30 years na pagsasama nila ni Ayoi

Ervin Santiago |April 22,2024
facebook
share this

Michael V ibinandera ang sikreto sa 30 years na pagsasama nila ni Ayoi

Ervin Santiago - April 22, 2024 - 07:48 AM

Michael V ibinandera ang sikreto sa 30 years na pagsasama nila ni Ayoi

Michael V at Carolina ‘Ayoi’ Bunagan

SUPER flex ang Kapuso Comedy Genius na si Michael V sa naging romantic date nila ng kanyang wifey na si Carolina “Ayoi” Bunagan.

Sa kanyang Instagram account, ibinandera ni Bitoy ang mga litrato at video nila ng kanyang asawa na kuha sa kanilang anniversary date.

Nagdiwang ang mag-asawa ng 30th anniversary ng kanilang civil wedding recently sa pamamagitan nga ng isang bonggang date sa isang yate.

Baka Bet Mo:  Italian director puring-puri ang 21 Pinoy actors sa sci-fi movie na ‘Genius Teens’

Makikita sa Instagram Reel na sinorpresa ni Bitoy ang kanyang misis ng bouquet of flowers habang sakay sila ng yate na lumalayag sa Manila Bay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Michael V. 🇵🇭 (@michaelbitoy)


Sa caption na inilagay ng Kapuso comedian at director, ibinahagi niya ang “sikreto” sa tatlong dekada nilang pagsasama bilang mag-asawa.

“Sa mga nagtatanong kung ano’ng sikreto namin for lasting this long, I believe it’s because we’re BOAT committed and we’re BOAT in love,” ang sabi ni Bitoy sa caption.

“Happy 30th (Ayoi)! I love you!” ang pahabol pang mensahe ni Michael V sa kanyang asawa.

Baka Bet Mo: Pagsigaw ni Bitoy ng ‘What’s up Madlang Pipol!’ sa Showtime viral na; tinawag na ‘icon’ ni Vice Ganda

Last year, nagkaroon ng renewal of vows ceremony ang mag-asawa kasabay ng kanilang 25th wedding anniversary. Apat ang kanilang anak – sina Yanni, Milo, Migo, at May Paul.

* * *

Mabigat ang eksenang hinarap ni Sparkle artist Angel Leighton sa kanyang role bilang Master Sergeant Pretty Competente sa season 2 ng action-comedy series na “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.”

Sa recent episode ng serye, nawalan ng malay si Msgt. Pretty Competente matapos masabugan sa isang katakot-takot na hit-and-run.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angel Leighton Rainbow 🌈 (@angelleightonbabies)


Halos hindi mapigilan ang iyak ni Tolome (Bong Revilla) habang tumatawag ng ambulansya para kay Msgt. Pretty. Sa kasunod na eksena, makikitang ang salarin pala ay isang traydor mula sa pinakamalapit na mga tauhan ni Tolome.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ito na ba ang huli para kay Msgt. Pretty Competente? Abangan ang iba pang mga pasabog na eksena sa “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” tuwing Linggo, 7:15 p.m. sa GMA Network.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending