Pagsigaw ni Bitoy ng ‘What’s up Madlang Pipol!’ sa Showtime viral na; tinawag na ‘icon’ ni Vice Ganda
MARAMING Kapuso at Kapamilya viewers ang natuwa sa muling pagkikita ng Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda at ng Kapuso Comedy Genius na si Michael V.
Nangyari ito sa “It’s Showtime” kahapon kung saan naimbitahan nga si Bitoy at ang kanyang leading lady sa GMA comedy show na “Pepito Manaloto” na si Manilyn Reynes.
Personal nilang binati ang kanilang kaibigang si Ogie Alcasid na nag-celebrate ng kanyang 56th birthday sa “It’s Showtime.”
Kinanta nina Bitoy at Mane ang ilan sa mga pinasikat na kanta ng husband ni Regine Velasquez tulad ng “Pangako” at “Bakit Ngayon Ka Lang.”
View this post on Instagram
Hirit ni Michael V habang kachika si Vice at ang iba pang hosts ng noontime show, “Ang nangyari before, sila (Manilyn at Ogie) magka-loveteam, tapos kami naging magka-loveteam, next time kami na ni Ogie.”
Natatawa namang sey ni Vice, “Why not? Why not?”
Baka Bet Mo: Vice umaming nagkaproblema sa pagpapatawa: OMG! Kinakalawang yata ako!
Tuwang-tuwa naman ang madlang pipol nang mapanood sina Bitoy at Manilyn sa “It’s Showtime.” Ayon sa ilang netizens, talagang kinilabutan sila nang bumati na ang dalawa sa mga viewers at sumigaw ng, “What’s up madlang peopleeeee!” na mabilis ngang nag-viral sa social media.
Kasunod nito, nag-post nga si Vice sa kanyang Instagram account ng litrato nila ni Bitoy na kuha sa studio ng “It’s Showtime”.
View this post on Instagram
“ICON,” ang simple ngunit punumpuno ng kahulugang caption ng Unkabogable Star about Michael V.
Matatandaang sa presscon ng bagong version ng “Bubble Gang” ay nasabi ni Michael na gustung-gusto niyang mag-guest sa kanilang show si Vice.
Feeling niya marami silang pwedeng gawin ni Vice para sa longest-running gag show sa bansa.
Tinawag ding “idol” ni Vice si Bitoy nang magkita sila sa GMA Gala 2023.
Ang tanonggggg: kailan kaya mangyayari ang pagtatagpo nina Vice at Bitoy sa Bubble Gang? Yan ang dapat nating abangan mga ka-BANDERA!
Michael V kakaiba ang karanasan sa Hidden Beach kasama si misis: Medyo ‘religious’ ‘yung experience
Michael V: Susundin ko ang gobyerno kahit hindi kita ‘binoto
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.