Manilyn Reynes umamin kay Maricel Soriano: 'Hindi ako na-intimidate at natakot sa ’yo' | Bandera

Manilyn Reynes umamin kay Maricel Soriano: ‘Hindi ako na-intimidate at natakot sa ’yo’

Ervin Santiago |July 19,2023
facebook
share this

Manilyn Reynes umamin kay Maricel Soriano: ‘Hindi ako na-intimidate at natakot sa ’yo’

Ervin Santiago - July 19, 2023 - 07:17 AM

Manilyn Reynes umamin kay Maricel Soriano: 'Hindi ako na-intimidate at natakot sa ’yo'

Maricel Soriano at Manilyn Reynes

KUNG maraming artista ang natatakot at nai-intimidate kay Maricel Soriano, kabaligtaran naman ang pakiramdam ng Kapuso star na si Manilyn Reynes.

Abot-langit ang pasasalamat ni Manilyn sa nag-iisang Diamond Star dahil hindi nito ginawang “horror” ang kabataan niya sa mundo ng showbiz.

Sey ni Mane, mula noon hanggang ngayon ay napakataas ng respeto at paghanga niya kay Maria na itinuring na rin niyang parang tunay na ate.

Sa bagong vlog ni Maricel sa kanyang YouTube channel, napagchikahan nila ang tungkol sa first impression sa isa’t isa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maricel Soriano (@officialmaricelsoriano)


Hirit agad ni Maria kay Manilyn, “Gusto ko magtapatan tayong dalawa. Ano ‘yong totoong impression mo sa akin at ano ‘yong totoong impression ko sa ’yo, dali.”

Pag-amin ni Manilyn, never siyang natakot sa aktres kahit pa kilalang-kilala ito noon bilang “Taray Queen” at talagang pinangingilagan ng mga kasabayan niyang artista.

“Hindi talaga ate, hindi talaga ako na-intimidate sa ’yo. Hindi ako natakot sa ’yo,” sey ng Kapuso actress.

“Eh, kasi hindi kita tinakot,” ang chika naman ni Maricel.

Baka Bet Mo: Manilyn kinakarir ang pagwo-workout, naadik sa boxing at hula hoop

Sabi naman Manilyn sa award-winning actress at itinuturing na ngayong movie icon, “‘Yun na nga, kasi hindi mo ako tinakot, ‘di ba? Kaya nga magpapa-thank you talaga ako.

“Actually, hindi ko ito sinasabi sa iyo, never ko pang nasasabi sa ’yo. Thank you talaga, from the bottom of my heart kasi ginawa mo ‘yong childhood days ko sa mundong ito ng showbiz nang hindi nakakatakot, wala akong fear.

“Nagkaisip ako, namulat ako sa trabahong ito na nadyan ka na, ang daming naituro sa akin, at baon ko ‘yon ate, baon ko ‘yon,” paliwanag ni Manilyn.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maricel Soriano (@officialmaricelsoriano)


Dagdag pang pahayag ng dating child star, isa si Maricel sa mga celebrities na naging totoong ate niya sa showbiz.

“Saka alam ko for some reason, I just know in my heart na kung napapanood mo ako, sasabihin mo sa akin kung hindi tama ‘yong ginawa ko o maganda ‘yong ginawa ko, o hindi, o may kulang.

“‘Yun kasi ganu’n, at ganu’n ang tingin ko sa ’yo, nagka-ate talaga ako,” dagdag pang sey ni Manilyn.

Ilan sa mga pelikulang pinagsamahan nina Manilyn at Maricel ay ang “Batang Quiapo”, “Minsan May Isang Ina,” “Super Inday and the Golden Bibe”  “To Mama With Love”, “Stupid Cupid”, “Sa Piling Ng Aswang” at marami pang iba.

Manilyn Reynes pinaghintay ng 4 na oras sa taping ng isang youngstar, at ang nakakaloka hindi pa kabisado ang dialogue

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bakit ‘King Ina’ ang pangalan ni Manilyn Reynes sa ‘Mang Jose’ ni Janno Gibbs?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending