Bakit 'King Ina' ang pangalan ni Manilyn Reynes sa 'Mang Jose' ni Janno Gibbs? | Bandera

Bakit ‘King Ina’ ang pangalan ni Manilyn Reynes sa ‘Mang Jose’ ni Janno Gibbs?

Ervin Santiago - December 16, 2021 - 12:56 PM

Janno Gibbs at Manilyn Reynes

FOR the first time, sa ilang dekada niyang pamamalagi sa mundo ng showbiz, ay gaganap namang kontrabida ang Kapuso singer-actress na si Manilyn Reynes.

Ang tinutukoy namin ay ang bagong comedy movie ng Viva Films na “Mang Jose” kung saan makakasama niya uli ang dating ka-loveteam na si Janno Gibbs at ang asawa nitong si Bing Loyzaga.

Sa ginanap na virtual mediacon ng “Mang Jose” kahapon, Dec. 15, ay sinabi ni Manilyn na bukod sa ito ang unang kontrabida role niya sa movie ay super memorable din sa kanya ang nasabing project dahil nga nakasama niya rito ang mag-asawang Bing at Janno.

In fairness, trailer pa lang ng “superhero” movie ng Viva ay bentang-benta na sa publiko lalo na nang malaman nila na ang pangalan pala ni Manilyn dito ay “King Ina” na tunog mura.

Kuwento ng aktres, “Naaliw ako sa character, naaliw ako sa role ko sa totoo lang, kasi ang sarap niya na paglaruan.

“Matagal ko nang gustong gawin ang ganyang role kaya lang hindi pa nabibigyan ng pagkakataon and, this time, dito nga sa Mang Jose ako na si King Ina.

“Si Bing at ako, nagkaroon po kami ng chance na magkaroon ng bonding sa loob ng tent. Nagkuwentuhan lang kami. We had a good talk, nakakatuwa yung mga kuwentuhan,” pagbabahagi pa ni Mane (palayaw ng aktres).

Sa nasabing presscon, nagpaliwanag naman ang direktor ng “Mang Jose” na si Rayn Brizuela kung bakit “King Ina” ang itinawag nila sa character ni Manilyn.

“Habang kino-conceptualize namin ng writer na si Carl Papa yung Mang Jose, gusto ko talagang i-mix yung slapstick humor before, yung nag-work sa ‘90s comedy and yung modern comedy.

“Isa siguro sa tumatak talaga na classic Pinoy comedy, lalo sa slapstick, is yung pag-play with words.

“I think, nandiyan si Joey de Leon, yung Roborats, yung mga yun. And growing up with these kind of humor, yun ang parang in-apply ko dito sa Mang Jose,” lahad ng direktor.

Ayon pa kay Direk Rayn, ang “King Ina” ay, “Pwedeng maging hari ang isang ina. Of course, bihira yung feminine na super strong or parang recently na lang lumalabas yung women empowerment.

“So, I think, yung King Ina, yun ang nire-represent na parang a mother can be a king. Bonus na lang na parang tunog-mura siya, pero I assure you, safe na safe po naman lahat para sa mga bagets. So far, wala naman pong hindi angkop para sa mga bata.

“Yun po talaga ang meaning, mukhang pinipilit ko lang po. Pero bukod sa first time mag-portray nga ni Miss Manilyn sa isang pelikula bilang villain, nakasanayan ng mga tao, ng Filipino audience for many years na she’s the baby face, she’s the bida, siya yung laging inaapi.

“So, gusto natin na parang yung character niya talaga, mag-reflect na malakas, strong, but at the same time, funny pa rin.

“May mga mapapanood kayo na parts na contrasting yung ginagawa ni Miss Manilyn sa intention niya as a villain. So, yun po si King Ina,” ang dire-diretsong pahayag ng direktor.

Handa nang magpakitang-gilas si “Mang Jose” sa Vivamax, ang superhero na nilikha at ipinakilala ng bandang Parokya ni Edgar bilang isang awitin noong 2005 ay isa nang pelikula na maihahanay sa mga extraordinary films na hatid ng Vivamax.

View this post on Instagram

A post shared by manilynreynes27 (@manilynreynes27)


Si Janno ay si Mang Jose na ang superpowers ay energy absorption and redirection. Siya ang tinatawag ng mga taong nangangailangan ng tulong, ngunit dapat ay may kakayahan silang magbayad.  
Hindi libre ang serbisyo ni Mang Jose, at umaabot pa nga ito ng ilang libong piso.  

Samantala, ang dating kapareha ni Janno na si Manilyn ay gumaganap bilang si King Ina na gumagamit ng milk tea upang kontrolin ang pag-iisip ng mga tao.  Ang mga kampon ni King Ina ay tinatawag na Turborats.  

Maunang saksihan ang kapangyarihan ni “Mang Jose” bukas, Nov. 17 sa Vivamax Plus, ang pinakabagong pay-per-view service ng Viva at sa Dec. 24 naman sa Vivamax. Kasama rin dito sina Jerald Napoles at Mikoy Morales.

https://bandera.inquirer.net/297959/janno-hirap-na-hirap-sa-costume-ni-mang-jose-pero-90-ng-action-dito-ako-talaga-walang-double

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/296715/manilyn-kinakarir-ang-pagwo-workout-naadik-sa-boxing-at-hula-hoop
https://bandera.inquirer.net/280579/manilyn-maraming-mami-miss-sa-nalalapit-na-ending-ng-the-lost-recipe-theater-actor-sinuwerte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending