Lyca Gairanod gusto ring makilala bilang aktres, first time bumida sa isang horror film
MUKHANG may panibagong karera na pagkakaabalahan ang singer na si Lyca Gairanod.
Bukod kasi sa pagiging mang-aawit, nais niya ring makilala bilang isang aktres.
Sinabi niya ‘yan mismo sa naging interview ng ANC with veteran broadcast journalist na si Karen Davila.
“Gusto ko rin talagang mag-artista talaga, gusto ko rin maging actress,” sey ng The Voice Kids Philippines Season 1 winner.
Ani pa niya, “Para naman [sabihin nila], ‘The Voice na ‘yan, singer na ‘yan, actress pa ‘yan.’ Kaya ako sumasali o sumasabak sa mga ganito.”
Sa katunayan nga ay first time siyang bibida sa isang upcoming horror film na pinamagatang “Mary Cherry Chua.”
“Ako po dito si Faith. Bestfriend po ako dito ni Ashley Diaz. Siya po ang ating pinaka bida dito. So ako po ‘yung kaibigan niya po dito,” chika niya sa batikang journalist.
Nang tanungin naman siya ni Karen kung bakit nakakatakot na pelikula ang kanyang napili.
Baka Bet Mo: Lyca Gairanod insecure noon sa kanyang balat: Parang lagi nilang sinasabi sa akin ‘ang pangit mo’
Sagot naman ni Lyka, “Gusto ko po kasi mag-explore. Gusto kong malaman kung ano ‘yung kakayanan ko kahit saang character.”
“Dito sa horror movie, super nag-enjoy po ako dito kahit na matatakutin akong tao, magugulatin akong tao,” kwento niya.
Paliwanag pa niya, “So ayun po, talagang triny ko po ‘yung ganitong horror movie na ‘to, so nag-fit naman po talaga sa akin.”
Bukod kay Lyka at Ashley, tampok din sa “Mary Cherry Chua” sina Joko Diaz, Kokoy de Santos, Abby Bautista, Krissha Viaje at Alma Moreno.
Ang kwento ng pelikula ay base sa urban legend ng isang all-girl school sa Maynila.
Mapapanood ang naturang horror film sa lahat ng lokal na sinehan sa July 19.
Related Chika:
Lyca binansagang ‘Meme Queen’, mensahe ni Karen: May plano ang Panginoon para sa iyo, I love you!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.