Lyca Gairanod ibinandera ang non-showbiz dyowa, netizens nagbigay payo sa dalaga Bandera

Lyca Gairanod ibinandera ang non-showbiz dyowa, netizens nagbigay payo sa dalaga

Therese Arceo |December 04,2022
share this

Lyca Gairanod ibinandera ang non-showbiz dyowa, netizens nagbigay payo sa dalaga

Therese Arceo - December 04, 2022 - 12:00 AM

Lyca Gairanod ibinandera ang non-showbiz dyowa, netizens nagbigay payo sa dalaga

TULUYAN na ngang ibinandera ng “The Voice Kids” season 1 grand winner na si Lyca Gairanod ang kanyang non-showbiz dyowa.

Sa kanyang Instagram account ay ipinost niya ang larawan nila ng kanyang boyfie na nagngangalang Kyle Walle kung saan makikitang tila naglalakad sila kalsada habang magkahawak kamay.

“Spend time [with] u,” maikli ngunit sweet na caption ni Lyca.

Matatandaang unang nakilala ng madlang pipol ang kanyang karelasyon matapos mag-viral ang video mula sa isang content creator na invited sa debut ng dalaga noong November 21.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by LYCA (@lycagairanod.1)

Marami sa madlang pipol ang talaga namang aprub sa dyowa ni Lyca at biniro pa nga na proud sa kanya ang mga bayani dahil kamukha raw nito ang national hero na si Jose Rizal.

Umani naman ng iba’t ibang reaksyon ang kanyang Instagram post mula sa mga netizens, karamihan ay mga payo para sa dalaga.

“Hari nawa matino ang napili mo at hindi ka lolokohin o gagamitin lang. Ingat Lyca wag pababayaan ang pamilya at career mo. Ang pag ibig nakakapaghintay yan sa tamang panahon at tamang tao!” komento ng isang netizen.

Saad pa ng isa, “Study hard first, bata ka pa focus ka muna sa pag aaral mo. Huwag gumaya sa iba na post ng post ng bf tapos burahin dahil ang ending naghiwalay, sometimes its better to keep it private about your personal love life para tahimik ang buhay mo. Godbless you.”

“Baby lyca namin OK lang mainlove ha.. pero dapat alam ang limitations.. bata kapa madami pang opportunities at matapos mo pag-aaral mo.. Godbless you always,” sey pa ng isa.

Ayon sa panayam sa dalaga ay noong March 2022 pa naging sila ni Kyle.

Related Chika:
Lyca sa viral vlog ni Karen: Sobrang totoo po ang gulat ko, ang pangit po ng gulat ko walang maganda!

Lyca Gairanod may ‘pajowa’ reveal sa mismong debut

Payo ni Karen kay Lyca wag basta isuko ang virginity: Magse-sex kayo tapos magbi-break and after that, wala na

Lyca binansagang ‘Meme Queen’, mensahe ni Karen: May plano ang Panginoon para sa iyo, I love you!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending