Lyca sa viral vlog ni Karen: Sobrang totoo po ang gulat ko, ang pangit po ng gulat ko walang maganda! | Bandera

Lyca sa viral vlog ni Karen: Sobrang totoo po ang gulat ko, ang pangit po ng gulat ko walang maganda!

Ervin Santiago |August 22,2021
facebook
share this

Lyca sa viral vlog ni Karen: Sobrang totoo po ang gulat ko, ang pangit po ng gulat ko walang maganda!

Ervin Santiago - August 22, 2021 - 08:46 AM

Lyca Gairanod at Karen Davila

HINDI in-expect ng Kapamilya young singer na si Lyca Gairanod na magba-viral at magkakaroon ng sandamakmak na meme ang interview sa kanya ni Karen Davila.

Ayon kay Lyca, nagulat na lang siya at umabot na sa mahigit dalawang milyong views ang nasabing vlog sa YouTube sa loob lamang nang ilang araw.

Partikular na kumalat ang bahagi ng panayam kung saan nagulat si Karen nang malamang pareho sila ng birthday ni Lyca. 

Kung anu-anong meme ang naglabasan sa social media nang pagkagulat ng broadcast journalist. Kahit si Karen ay aminadong tawang-tawa nang mapanood ang viral clip ng kanyang vlog.

“Nu’ng sumigaw siya ng, ‘Oh my God!’ napakalakas po talaga. Pati ‘yung mama ko na nasa pinakadulo, kasi social distancing po kami eh, nagtinginan po kaming lahat sa kanya. 

“Nakakagulat po siyang sumigaw agad. Akala ko po kung ano ang isisigaw niya. Nagulat po kaming lahat sa kanya,” pahayag ni Lyca sa panayam ng “Sakto”.

Sabi pa ng dalagita, hindi rin niya inakala na personal talaga siyang pupuntahan ni Karen sa kanilang bahay sa Cavite para na-interview.

“Tumawag po ang road manager ko sa amin na gusto raw po ako makausap ni Ate Karen at tanungin ako sa story (ng buhay ko). Ayun po pumayag ako kasi Ms. Karen na po ‘yon. Ms. Karen na ‘yung magi-interview sa akin. 

“Sabi ko nakakahiya naman po. Tapos pupunta pa siya sa lugar namin. Siyempre po ano nakaka-overwhelm po na ma-interview ako ng isa sa pangmalakasang newscaster,” chika pa ng singer. 

Kuwento pa ng dalagita, hindi raw scripted ang pagkagulat ni Karen nang malamang pareho sila ng kaarawan.

“Sobrang totoo ang gulat ko riyan. Kaya sinasabi nila sa akin ang pangit ko magulat diyan. Ang pangit, ang pangit. Sobrang pangit po ng gulat ko walang maganda,” natatawa pa niyang chika.

At para naman sa birthday niya sa Nob. 21, nagkausap na raw sila ni Karen para sa magiging selebrasyon niya.

“Tumawag nga sa akin si Ate Karen, sabi niya, ‘Anong balita? Excited ka na ba sa birthday natin?’ Nagtatanong na si Ate Karen sa akin. 

“Mas excited pa po siya sa akin mag-birthday. Sabi ko, ‘ikaw naman kasi ate ginugulat mo ako masyado. Ang pangit tuloy ng reaksiyon ko sa pagkakasigaw mo sa akin,'” ani Lyca.

Bukod sa milyun-milyong views na nakuha ng vlog nina Karen at Lyca, nag-trending din sila a Twitter Philippines.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod sa pagkanta online at pagiging vlogger, meron ding clothing business na pinagkakaabalahan ngayon si Lyca.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending