Bearwin Meily nalulong sa drugs, sugal pero nagbago; pastor na ngayon
PARANG kuwento rin pala sa pelikula at teleserye ang naging buhay noon ng komedyanteng si Bearwin Meily.
Napakaraming rebelasyon ni Bearwin tungkol sa kanyang personal life kabilang na ang matitinding challenges na hinarap niya noong kabataan niya hanggang nitong nagkaroon na siya ng sailing pamilya.
Inalala ng aktor sa panayam ni Karen Davila na napapanood ngayon sa kanyang YouTube vlog, ang pagkalulong sa iba’t ibang bisyo kabilang na ang sugal, pambababae at maging ang drugs.
Baka Bet Mo: Bearwin sinubok ng tadhana: Nakita ko na ‘yung sobrang yaman namin, naranasan ko ring sumadsad kami
Feeling ng veteran comedian, malaking bahagi ng naging buhay niya noon ang pinagmulan na pamilya. Aminado si Bearwin na hindi kagandahan ang mga naging karanasan niya habang nagkakaedad.
View this post on Instagram
“Magulo, sobrang gulo, 11 kaming magkakapatid, iba-iba ang nanay namin. That’s father side, apat ‘yung nanay namin,” pahayag ng beteranong komedyante.
Patuloy pa niya, “Apat ‘yun. Sa pangatlong asawa, isa lang ako, so doon struggle ako, ‘yung pagiging fair ng magkakapatid sa family ‘yung iba tatlo, iyung iba lima, ako isa lang.
“Ang mommy ko, nagkaroon ng tatlong asawa. So mayroon din akong mga kapatid doon apat,” pag-amin pa ng aktor.
Patuloy ni Bearwin, “Ang life ko, hindi siya parang basketball na dini-drible lang. Para siyang tennis punta ako doon, punta ako dito, so kung saan-saan ako binabato ng mundo.”
Kasunod nito, nabigyan nga ng break sa entertainment industry ang komedyante pero hindi pa rito natigil ang kanyang mga bisyo. Hanggang sa unti-unti nang nabago ang kanyang buhay nang magbalik-loob kay Lord.
View this post on Instagram
“I think 20 years na, mas marami ‘yung naging project ko. After nu’n nagka-sense na ako na hanggang saan ba ako?
“Kasi 20 years na ako sa industry and then my dad was suffering from emphysema, so ipinakita sa akin ni God na, ‘Hey lahat may hangganan, saan ka?’ Si Lord ang nagpakita sa akin nu’n. Kaya sabi ko ‘ayoko na nga,” aniya.
Mas nabago pa ang takbo ng buhay ni Bearwin nang pumanaw ang kanyang tatay taong 2008. Dito pa mas tumibay ang pananampalataya ng komedyante.
Hanggang sa maging pastor na nga siya, “Siguro mahirap maintindihan lahat, pero pinayagan ni Lord lahat e. It’s about pain, challenges, trials, problems, obtacles. Pinayagan niya, masakit lahat ‘yun.
“But finish line you have to share your stories and you will cross the finish with the Lord. Nabubuhay pa ako ngayon dahil I just want to share His story.
“His story, it’s not mine anymore. I’m done, lahat tayo matatapos. So this is more than second chance,” sey pa ni Bearwin Meily.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.