Karen sa sexual abuse hearing: Stop victim blaming, you are not gods
KINAMPIHAN ng mga na-bad trip kay Sen. Jinggoy Estrada si Karen Davila hinggil sa isinasagawang Senate hearing para sa sexual abuse case nina Sandro Muhlach at Gerald Santos.
Agree ang mga netizens sa statement ni Karen na nagpaalala kay Sen. Jinggoy na hindi sila nga “gods.”
Baka Bet Mo: Jake Ejercito, Jinggoy Estrada tanggap ang pagkakaiba ng pananaw sa politika
Ipinagdiinan ng Kapamilya news anchor na iwasan na ang “victim blaming” lalo pa’t ang pinag-uusapan dito ay tungkol sa pang-aabuso at panghahalay.
View this post on Instagram
Post ni Karen sa kanyang X account, “To our lawmakers,
“Stop victim blaming.
“Treat victims with compassion and sensitivity. Reliving a traumatic experience is horrific, more so in a public hearing.
“Stop barraging, asking ‘why did it take you 5 years? You should’ve filed a complaint immediately.’ Victims are scared. They feel ashamed.
“And this kind of public shaming will not help victims to come out.
Baka Bet Mo: Jake lalaban para kay VP Leni; Jinggoy game pa rin sa showbiz at public service
“Let me remind our senators, you serve the people. You are not gods. Do not act like it,” ang punto pa ni Karen.
Marami ang nabwisit sa style ng pagtatanong ni Sen. Jinggoy kina Sandro at Gerald sa naganap na pagdinig ng Senate Committee on Public Information and Mass Media sa kaso nina Sandro at Gerald na umaming pareho silang biktima ng rape.
Para raw kasing sinisisi pa ng senador at aktor ang dalawang biktima sa sinapit nila mula sa kamay ng mga taong nanamantala at nambaboy sa kanila.
Inamin nina Sandro at Gerald na nagkaroon sila ng matinding trauma dahil sa nangyari at totoong naunahan sila ng takot na magsumbong sa mga kinauukulan.
Sa isang panayam naman, nagpaliwanag si Sen. Jinggoy sa akusasyon na naging “unfair” at “tough” siya sa pag-iimbestiga sa naturang mga kaso. Nais lamang daw niyang lumabas ang katotohanan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.