Bearwin sinubok ng tadhana: Nakita ko na 'yung sobrang yaman namin, naranasan ko ring sumadsad kami | Bandera

Bearwin sinubok ng tadhana: Nakita ko na ‘yung sobrang yaman namin, naranasan ko ring sumadsad kami

Ervin Santiago |June 20,2021
facebook
share this

Bearwin sinubok ng tadhana: Nakita ko na ‘yung sobrang yaman namin, naranasan ko ring sumadsad kami

Ervin Santiago - June 20, 2021 - 03:00 PM

MARAMING pinaiyak ang komedyanteng si Bearwin Meily nang ibahagi niya sa publiko ang mga pinagdaanang hirap at sakripisyo ngayong panahon ng pandemya.

Sunud-sunod na matitinding pagsubok ang ibinigay ng tadhana kay Bearwin nitong mga nagdaang taon, kabilang na nga riyan ang pagkawala ng trabaho sa showbiz dulot ng COVID-19 pandemic.

Dahil dito, napilitan ang komedyante na ibenta ang naipundar na dream house para sa kanyang pamilya para mabuhay sila sa panahon ng pandemya.

Kuwento ni Bearwin sa “Tunay Na Buhay”, bata pa lang siya ay sanay na siya sa hirap at talagang nagsumikap siya sa buhay habang lumalaki at nagkakaisip sa isang broken family.

Palipat-lipat daw siya sa kanyang ama at ina noong kabataan niya pero aniya, wala siyang regrets sa mga naranasan niyang hirap dahil napakarami niyang natutunang life lesson mula sa mga na-experience niya noon. Naging wais din daw siya sa buhay dahil dito.

“When I look back doon sa track record ni God sa buhay ko, pinayagan Niyang mangyari ‘yung broken family ko for me to realize that that is wrong, so you do things right,” pahayag ng komedyante.

Ito rin ang nagturo kay Bearwin para maging magpakumbaba at nagagamit nga niyang “puhunan” ngayon ang mga past experiences niya sa pamilya sa kanilang corn dog business.

“Nakita ko na ‘yung sobrang yaman namin, nakita ko na ‘yung sadsad namin. But most importantly, bukod doon sa yaman at ‘yung hirap namin, nakita ko na kung gaano kabuhay ang Diyos sa akin,” pahayag ni Bearwin.

“Kung hindi namin nabenta ‘yung bahay, na-lockdown kami, wala kaming kakainin.

“I love embracing challenges, kasi diyan ako natututo. Every day is a lesson, every week there is a test or examination. 

“So every day, whether you like it or not, someone, somebody, like a teacher here on earth, and coming from God will teach you something,” pahayag pa ng komedyante nang tanungin kung ano ang aral ng kaniyang tunay na buhay. 

Samantala, nagbigay naman ng words of encouragement kay Bearwin ang dalawa sa mga malalapit niyang kaibigan sa showbiz, sina Joey Marquez at Bayani Agbayani.

“Naiinis ako sa ‘yo pinaiiyak mo ako!” naluluhang pagbati ni Tsong Joey nang muling makita si Bearwin at marinig ang mga ipinagtapat ng komedyante.

“Ang sabi ko nga parati kailangan resilient ka eh. May mga pagkakataon talaga na nasa baba tayo, may mga pagkakataon talaga na nasa taas tayo minsan,” pahayag pa ni Joey sa kaibigan.

“Kilala ko si Bearwin. Noong nagtatrabaho kami niyan, lahat gagawin niyan mapatawa lang ang tao. Minsan may ginagawa ‘yan, lumulon ng goldfish para mapatawa lang kami.

“Kaya natutuwa ako sa kaniya dahil ngayon, kahit na medyo down tayo lahat, nagsu-survive siya at saka. Tingin ko talaga kay Bearwin, survivor ‘yan eh. Masipag, mabait na kasama at saka mapagmahal sa pamilya,” dagdag pa niyang kuwento tungkol kay Bearwin.

Mensahe naman ni Bayani sa kaibigan, “Parekoy, brother, alam mo, lahat ng problemang dumarating sa buhay natin, lahat ‘yan may katapusan, may katapat na solusyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“At alam ko dahil sa matinding pananampalataya mo at pananalig sa Panginoong Diyos, kayang kaya mo ‘yan,” paalala pa niya kay Bearwin.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending