Bayani Agbayani nabigyan ng mamahaling regalo ni Sharon Cuneta

Bayani Agbayani nabigyan ng mamahaling regalo ni Sharon Cuneta: ‘Siya lahat ang nagbayad…P200,000 plus’

Pauline del Rosario |October 20,2023
facebook
share this

Bayani Agbayani nabigyan ng mamahaling regalo ni Sharon Cuneta: ‘Siya lahat ang nagbayad…P200,000 plus’

Pauline del Rosario - October 20, 2023 - 03:05 PM
Bayani Agbayani nabigyan ng mamahaling regalo ni Sharon Cuneta: ‘Siya lahat ang nagbayad…P200,000 plus’
Bayani Agbayani, Sharon Cuneta

ISA ang komedyante na si Bayani Agbayani sa mga nakasaksi kung gaano ka-generous si Megastar Sharon Cuneta pagdating sa kanyang mga kaibigan at ilang mga katrabaho.

Ito ang ibinunyag mismo ni Bayani sa game show na “Watchawin” ng PIE Channel na hosted by Robi Domingo.

Sa isang snippet na inilabas ng ABS-CBN, mapapakinggan na nabanggit nila si Sharon at dito na nga naitanong ng TV host kung ano ang “core memory” niya sa Megastar.

Paglantad ni Bayani, super close sila ni Ate Shawy at sa katunayan nga raw ay siya ang ninang ng kanyang mga anak, pati na rin noong ikinasal siya.

Nagsimula raw ang friendship nila nang magkasama sila sa dating programa ng batikang singer na umere simula 1986 hanggang 1997.

Baka Bet Mo: Bayani Agbayani matinding challenge din ang dinanas sa buhay: ‘Mas mahirap pa kami sa daga kasi wala kaming bahay’

Kwento ng komedyante, “Alam mo ba nagsimula ako rito sa ABS-CBN sa ‘The Sharon Cuneta Show’? At si Sharon, ninang ko sa kasal ko at ninang ng mga anak ko.”

Hirit sa kanya ni Robi, “Ganun kayo ka-close pala?”

Ang sagot naman sa kanya ni Bayani, “Sobra! Alam mo ba ‘nung minsan, tinawagan ako niyan.”

“Sabi niya, ‘Kumuha ka ng mga mamahaling sapatos.’ Akala ko ako ang magbabayad. Siya lahat ang nagbayad,  P200,000 plus,” proud na ibinida ni Bayani sa programa.

Mapapanood naman ang naging reaksyon ni Robi na talaga namang lalo siyang humanga sa kabaitan at pagiging mapagbigay ni Ate Shawy.

Hindi ito ang unang beses na may nababalitaan tayo pagdating sa pagiging generous ng veteran singer sa pagbibigay ng regalo.

Nitong taon lamang, ibinunyag ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz na nagbibigay ng greeting cards si Sharon na may kasamang pera sa ilang reporters.

Napamura rin noon ang direktor na si Darryl Yap matapos makatanggap ng mamahaling bag mula sa Megastar.

Ang iniregalo sa kanya ay isang itim na Louis Vuitton Steamer Backpack Monogram Eclipse na nagkakahalaga ng hindi bababa sa $5,000 o mahigit P242,000.

Noong 2018 naman binigyan ng singer ang Queen of All Media na si Kris Aquino ng Gucci shirt.

Habang ang natanggap naman na regalo ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez mula sa kapwa-singer ay singsing na worth P900,000.00 to P1 million.

Related Chika:

Sandara Park sa tanong kung pwedeng maging KPop star si Bayani Agbayani: Puwede kahit hindi gwapo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Cristy Fermin to the rescue kay Bayani, rumesbak kay Vice Ganda sa isyu ng ‘overtime’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending