Cristy Fermin to the rescue kay Bayani, rumesbak kay Vice Ganda sa isyu ng 'overtime' | Bandera

Cristy Fermin to the rescue kay Bayani, rumesbak kay Vice Ganda sa isyu ng ‘overtime’

Therese Arceo |July 27,2022
facebook
share this

Cristy Fermin to the rescue kay Bayani, rumesbak kay Vice Ganda sa isyu ng ‘overtime’

Therese Arceo - July 27, 2022 - 05:00 PM

Cristy Fermin to the rescue kay Bayani, rumesbak kay Vice Ganda sa isyu ng 'overtime'
PINAGSABIHAN ng kolumnistang si Cristy Fermin ang Unkabogable star na si Vice Ganda hinggil sa isyu ng parinigan nila ni Bayani Agbayani na may kinalaman sa pag-o-overtime.

Sa kanyang show na “Cristy Ferminute” kasama ang co-host na si Romel Chika, ipinahayag niya ang kanyang opinyon sa isyung ito.

“Wala na bang ibang pwedeng magsalita maliban sa kaniya? Meron pa siyang sarkastikong salita,” saad ni Nanay Cristy.

Aniya, may mga pailalim daw itong magsalita at sarkastiko pa ito sa kanyang mga statements.

“Naabot na ni Vice Ganda ang kaniyang pangarap. Sobra pa sa kaniyang pangarap ang ibinigay sa kaniya ng kaniyang kapalaran, saad ni Nanay Cristy.

Dagdag pa niya, “Ang alam ko, sa mga matatagumpay na tao parang kawayan, habang lumalago ang pangarap at pamumuhay, bumababa, yumuyukod. Pero bakit, nakamit na lahat, napakayabang pa rin?”

Hirit pa niya, dapat raw ay bigyan ni Vice ng pagkakataon ang iba nitong mga kasamahan na magsalita at huwag daw na ang komedyante ang palaging kumuda.

“Si Bayani pa ang pinagtripan mo? Kilala mo nang personal ‘yong tao na tinutukoy mo? Si Bayani ang pinaka-peacemaker sa lahat ng mga komedyante,” sey pa niya.

Chika pa niya, kung sana raw ay si Billy Crawford ang nagsalita ay pwede pang patulan ni Vice dahil may kaangasan daw ang dating Kapamilya host pero iba raw ito kay Bayani.

“Si Bayani Agbayani na secure na secure sa kaniyang buhay at at sa kaniyang karera. Si Bayani Agbayani na ni wala kang maririnig na pintas o paninira sa kaniyang kapwa, siya pa ngayon ang binabash dahil ngayon sa mga kuda ni Vice. Nagkamali ka sa tutukuyin mo,” hirit ni Nanay Cristy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)

Matatandaang nagsimula ang isyu sa pagitan nina Bayani at Vice dahil sa isyu ng palaging pag-o-overtime ng “It’s Showtime” at aware naman ang mga Kapmilya hosts ukol rito at minsan nga ay nagiging parte pa ito ng kanilang biruan.

Kahit walang binanggit na pangalan ang komedyanteng si Bayani nang sabihin niyang hindi sila nag-o-overtime sa kanilang programang “Lunch Out Loud”. Nakuha naman ng mga netizens kung sino ang pinatutungkulan nito at mukhang nakarating sa Unkabogable Star.

“Kaya dapat hindi lahat nakikisali ha. May kilala tayo nakikisali. Mga nagpaparinig, ba’t ka nagpaparinig, hindi ka naman kasali?” saad ni Vice.

“Kasi may napanuod kami, nagpaparinig. Kaya nag-usap kami, hanga tayo rito. Nagpaparinig siya, hindi naman siya kasama sa isyu,” dagdag pa niya.

Related Chika:
Vice Ganda pinalagan nga ba si Bayani Agbayani sa isyung ‘overtime’?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Banta ng misis ni Bayani sa katrabaho ni mister: Watch mo ‘yung words mo na pakuya-kuya, parang di na ako naniniwala

Vice sa laging pag-o-overtime ng ‘Showtime’: Nakakahiya…walang kadisi-disiplina ang mga kasamahan ko!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending