Banta ng misis ni Bayani sa katrabaho ni mister: Watch mo 'yung words mo na pakuya-kuya, parang di na ako naniniwala | Bandera

Banta ng misis ni Bayani sa katrabaho ni mister: Watch mo ‘yung words mo na pakuya-kuya, parang di na ako naniniwala

Therese Arceo |August 04,2021
facebook
share this

Banta ng misis ni Bayani sa katrabaho ni mister: Watch mo ‘yung words mo na pakuya-kuya, parang di na ako naniniwala

Therese Arceo - August 04, 2021 - 02:47 PM

BINALIKAN ni Bayani Agbayani at ng asawang si Lenlen kung paano nagsimula ang kanilang love story.

Masayang ikinuwento ng dalawa kung paano sila nagkagustuhan habang kumakain sa YouTube vlog ni Bayani.

Ayon kay Bayani, nagtataka siya kung bakit siya sinagot noon ng asawa dahil isa lang daw siyang hamak na production assistant.

Giit ni Lenlen, makulit raw kasi si ang actor-comedian kaya niya ito sinagot. Nung una nga raw ay pabiro lang ang pagsagot nito kay Bayani na kalaunan ay nagkatotoo rin.

Nang tanungin naman ni Lenlen ang asawa kung bakit siya nagustuhan ni Bayani, pabiro naman ang sagot nito.

“Noong una ko po siyang nakita, nakita ko po ‘yung braso niya punong-puno ng alahas. Sabi ko ‘tiba-tiba ako rito’.”

Nagseryoso naman ang actor-comedian at inamin na nagandahan siya agad roto nang makita niya ito.

Pinuri rin ni Lenlen ang katangian ni Bayani na sweet sa kanya. Lagi raw nitong pinipilit na pasayahin siya.

Nang tanungin naman si Lenlen kung ano ang masasabi nito kay LabuChing, tila nag-iba naman ang itsura at toni nito.

“Ewan ko nga ba dyan kay LabuChing bakit laging sinasabing ‘Kuya Yani’,” panimula nito. “Kuya kuya pa siya di ko malaman kung kuya pa ba talaga.”

“Ikaw Laboching ah, minsan watch mo ‘yung words mo na pa-kuya kuya mo parang di na ako naniniwala sa kuya mo,” pagpapatuloy nito.

Inawat naman siya ni Bayani pero may sey pa rin ito.

“Laboching, eto warning ah,” pagbabanta ni Lenlen na nakaturo pa sa camera. “Pakuya-kuya ka pa.”

Tila may part 2 pa ang vlog ni Bayani kaya abangan na lang natin kung mauuwi ba sa away ang masayang kwentuhan ng mag-asawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si LabuChing ay isa sa mga kasama ni Bayani sa noon time show na “Lunch Out Loud” na umeere sa TV5.

Hindi naman kaila sa tao kung gaano kaselosa ang asawa ni Bayani na si Lenlen. Sa katunayan, may ilang mga moments kung saan tinatakot si Bayani ng kanyang kasama tulad na lang ni Alex Gonzaga at Luis Manzano na isusumbong nila ito kay Lenlen sa tuwing may babaeng napapalapit sa actor-comedian.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending