Vice Ganda pinalagan nga ba si Bayani Agbayani sa isyung 'overtime'? | Bandera

Vice Ganda pinalagan nga ba si Bayani Agbayani sa isyung ‘overtime’?

Therese Arceo |July 23,2022
facebook
share this

Vice Ganda pinalagan nga ba si Bayani Agbayani sa isyung ‘overtime’?

Therese Arceo - July 23, 2022 - 01:50 PM

Vice Ganda pinalagan nga ba si Bayani Agbayani sa isyung 'overtime'?

TRENDING topic ngayon ang Unkabogable Star na si Vice Ganda matapos itong pumalag sa tila pagpapatama sa kanya ng komedyanteng si Bayani Agbayani ukol sa pag-o-overtime.

Matatandaang nagsimula na ang pagsasanib pwersa ng mga noontime shows na kinabibilangan ng dalawa, ang “It’s Showtime” at “Lunch Out Loud”, noong July 16.

Noong Miyerkules, July 20, tila nagpatutsada kasi si Bayani habang bumabati sa mga direktor sabay hirit na kailanman ay hindi sila nag-o-overtime.

Kaya naman nitong Biyernes, July 22, tila sinagot ni Vice ang pahayag ng “Lunch Out Loud” host.

“Kaya dapat hindi lahat nakikisali ha. May kilala tayo nakikisali. Mga nagpaparinig, ba’t ka nagpaparinig, hindi ka naman kasali?” diretsahang saad ni Vice habang nagho-host sa segment nilang “Showtime Sexy Babe”.

Hirit naman ni Jugs Jugueta, “‘Pag close lang pwede.”

“Kasi may napanuod kami, nagpaparinig. Kaya nag-usap kami, hanga tayo rito. Nagpaparinig siya, hindi naman siya kasama sa isyu,” dagdag pa ni Vice.

Wala namang binanggit na pangalan ang Unkabogable Star ngunit mabilis na nahinuha ng mga netizens na mukhang si Bayani ang tinutumbok ng pahayag ng komedyante.

Bago ang parinigan ukol sa “overtime” ay matagal na itong usapin ng “It’s Showtime” kahit na noong hindi pa nagsasanib pwersa ang dalawang programa para magpasaya ng madlang pipol.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)

Madalas ay nagiging parte na ng biruan nina Vice ang kanilang pag-o-overtime dahil madalas ang kanilang biruan at kulitan ng mga kapwa hosts kaya naman may mga segments sila na hindi maiwasang sumobra sa oras.

Kaya naman hindi na kataka-taka na paminsan-minsan ay ma-bring up ito sa kanilang pag-uusap na kalaunan ay ginagawa na lang rin nilang biro.

Nito nga lang ay muling nagtawanan ang mga hosts ukol sa pag-o-overtime at maaaring maputol sila sa TV5 at kung sakali ay mapapanood pa rin sila sa A2Z, Facebook live at YouTube.

“Dahil wala na po tayo sa Tv5, naka-live po tayo sa Facebook,” birong saad ni Vice.

Samantala, may mga netizens naman ang humihiling na bitin sila sa oras ng pag-ere ng noontime show at umaasa sila na babalik sa dating timeslot ang kanilang programa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Bayani niregaluhan ng mga sapatos ni Mega na nagkakahalaga ng mahigit P130K

Vice Ganda umalma sa mga nagpapakalat ng fake news: Ang evil!

‘Showtime’, ‘Lunch Out Loud’ sanib-pwersa sa pagpapasaya ng madlang pipol

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending