‘Showtime’, ‘Lunch Out Loud’ sanib-pwersa sa pagpapasaya ng madlang pipol
MAPAPANOOD na ang Kapamilya noontime show na “It’s Showtime” sa TV5 at ka-back-to-back nito ang “Lunch Out Loud” simula ngayong Hulyo.
Ayon sa report ni MJ Marfori sa “Front Pilipinas” kahapon, July 6, ay magsasanib pwersa na ang dalawang noontine shows para sabay na magbigay ng kasiyahan sa buong madlang pipol sa buong bansa.
View this post on Instagram
“Ang dating magkatapat, ngayo’y magkapatid na. Kaya may Daddy Bills ka na, may Vice Ganda ka pa! All these, mangyayari this July,” saad ni MJ sa kanyang ulat.
Wala naman nang ibang detalye hinggil sa back-to-back airing ng dalawang program at kung kailan ito eksaktong magsisimula ngunit malinaw na ngayong Hulyo magsisimulang umere ang “It’s Showtime” sa TV5.
Hindi rin malinaw kung ano nga ba ang mauunang ipalabas sa dalawang programa.
Makakatapat naman ng “It’s Showtime” at “Lunch Out Loud” ang longest noontime show na “Eat Bulaga” ng Kapuso network.
Sa ngayon ay tanging sa A2Z Channel 11 free TV lamang umeere ang “It’s Showtime” buhat nang na-expire ang prangkisa ng ABS-CBN noong 2020 maliban sa digital platforms nito.
View this post on Instagram
Ang “It’s Showtime” naman ang susunod na Kapamilya show na mapapanood sa TV5 kasama ng “ASAP Natin ‘To”, “FPJ’s: Ang Probinsyano”, “Idol Philippines”, at iba pang mga teleserye ng ABS-CBN.
Matatandaang napabalita ang 50-50 partnership deal ng ABS-CBN at TV5. Ngunit nang tanungin angTV5 head na si Manny V. Pangilinan tungkol dito, inamin nito na wala pang pinal na desisyon ukol dito.
Related Chika:
Lunch Out Loud papalitan nga ba ng It’s Showtime sa TV5?
True kaya, ‘Lunch Out Loud’ ng TV5 matsutsugi na?
Hirit ni Lolit Solis: Kayang talunin ng ‘Lunch Out Loud’ ang ‘It’s Showtime’
Kim walang nagawang sablay para tsugihin sa ‘Showtime’; Andrea nagpaka-drag queen
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.