Hirit ni Lolit Solis: Kayang talunin ng 'Lunch Out Loud' ang 'It's Showtime' Bandera

Hirit ni Lolit Solis: Kayang talunin ng ‘Lunch Out Loud’ ang ‘It’s Showtime’

Therese Arceo |May 25,2022
share this

Hirit ni Lolit Solis: Kayang talunin ng ‘Lunch Out Loud’ ang ‘It’s Showtime’

Therese Arceo May 25, 2022 - 01:46 PM
Hirit ni Lolit Solis: Kayang talunin ng 'Lunch Out Loud' ang 'It's Showtime'

LOLIT SOLIS

IKINUMPARA ng showbiz columnist at talent manager na si Lolit Solis ang mga noontime shows ng ABS-CBN at TV 5 na “It’s Showtime” at “Lunch Out Loud”.

Sa kanyang Instagram post, inihayag ng manunulat na napanood raw niya ang “Lunch Out Loud” at talagang nagandahan siya rito pero may panghihinayang dahil tila hindi matunog sa tao ang naturang show.

“Nakakahinayang ang Lunch Out Loud Salve. Ang lalaki din ng mga hosts nila like Billy Crawford, Bayani Agbayani, Isabelle Daza , at isa pang female host na ok naman, pero bakit parang walang ingay ang programa,” panimula ni Manay Lolit.

Aniya, energetic daw ang mga tao at talagang maganda ang mga spiels.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

“Ok naman siya. Energetic at maganda ang mga spiels. Nakakatawa ang mga comedy line, maayos ang takbo ng programa. Sayang nga at hindi ito napapansin,” pagpapatuloy niya.

Sey ni Manay Lolit, dapat daw siguro ay makaisip ng iba pang marketing strategy ang programa.

“Dapat siguro maka isip ng iba pang marketing strategy sila PatP at Brightlight dahil puwedeng puwede lumaban ang Lunch Out Loud sa tanghali.”

Para kay Manay Lolit, talaga namang may laban ang programa pero huwag na raw nitong pangarapin ang yop spot dahil hindi nila magigiba ang “Eat Bulaga” na talaga namang matagal na.

“Huwag ng isipin talunin ang Eat Bulaga na talagang pader na, pero to be a second alternative kayang kaya ng LOL.”

Sinabi rin ni Manay Lolit na mas maganda ang script ng “Lunch Out Loud” kesa sa “It’s Showtime”.

“Mas maganda pa nga ang takbo ng script nila kesa sa Showtime na nakakasawa na ang ilang gimmicks. Lunch Out Loud, make it louder at bonggang bongga,” dagdag pa niya.

Related Chika:
True kaya, ‘Lunch Out Loud’ ng TV5 matsutsugi na?

Lunch Out Loud papalitan nga ba ng It’s Showtime sa TV5?

Lolit Solis naiyak sa sulat ni Kris: I was so sad, talagang ipinagtapat niya ang pain na nadarama niya

Jugs Jugueta pinagtanggol si Vice Ganda; Lolit Solis sumagot

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending