Jugs Jugueta pinagtanggol si Vice Ganda; Lolit Solis sumagot Bandera

Jugs Jugueta pinagtanggol si Vice Ganda; Lolit Solis sumagot

Therese Arceo |January 21,2022
share this

Jugs Jugueta pinagtanggol si Vice Ganda; Lolit Solis sumagot

Therese Arceo January 21, 2022 - 12:11 PM

Jugs Jugueta pinagtanggol si Vice Ganda; Lolit Solis sumagot

UMALMA ang “It’s Showtime” host na si Jugs Jugueta sa paratang ng kolumnista at talent manager na si Lolit Solis laban sa kanyang co-host na si Vice Ganda.

Ayon kasi sa ipinost ni Manay Lolit sa kanyang Instagram noong January 19 ay ibinahagi nito ang diumano’y pagpa-“power tripping” ni Vice Ganda sa kanilang noon time show na “It’s Showtime”.

“Very alarming Salve iyon mga balita na nagpa-power tripping si Vice Ganda. Balita na parang siya na ang nagpapatakbo ng Showtime, siya na ang nasusunod sa lahat ng galaw ng programa. Marami pang horror story na kumakalat sa pagbabago daw ng ugali ni Vice Ganda, at parang marami na rin mga taong nasasaktan sa mga ginagawa nito,” saad ni Manay Lolit.

“Well, baka naman dahil narin overworked at pressured si Vice Ganda kaya kung minsan medyo off ang mga ginagawa niya, pero sana maayos niya ito bago maging huli ang lahat. Paano ka magiging kampante sa comedy kung marami tao ang inis o galit sa iyo. Siyempre affected din ang performance mo. Para tumagal kayo ng gaya ng Eat Bulaga, dapat very family ang samahan nyo. Lahat masaya, lahat comfortable, walang may tampo. Dapat sincere ang samahan, walang mataas o mababa. Yuon team playing importante, may malasakit kayo sa isa’t isa.Sana nga hindi tutoo ang mga kumakalat na balita. Sayang kung ito ang magiging dahilan ng pagbabago ng kapalaran ni Vice Ganda. Ayusin agad,” dagdag pa niya.

 

 

Agad namang dumipensa si Jugs Jugueta sa pahayag ng talent manager, “Hanap po kayo ng bago ninyong source na Maritess, Tita… Masayang-masaya kami sa Showtime ngayon!!!! Peace be with you and happy new year!”

Sagot naman ni Manay Lolit, na-appreciate naman daw niya ang comment Jugs sa kanyang IG post.

“Sabi niya hindi naman totoo ang mga kumakalat na balita na marami ang discontented dahil sa mga nagaganap na power tripping sa showtime.

“Ayon kay Jugs happy lahat sila sa Showtime. Well and good. Mabuti naman kung totoo dahil sayang din di ba, medyo matagal na rin ang Showtime sayang kung mawawala ito dahil lang may gustong mag-power trip. Lalong sayang kung babagsak si Vice Ganda dahil lang sa pagbabago ng ugali eh bihirang mangyari na nagkaroon ng celebrity na tulad niya na tinanggap ng publiko, sey ni Manay Lolit.

Hirit pa niya, dapat talaga ay maging maganda ang samahan nila dahil araw araw silang magkasama, dapat para na silang magkapatid.

“Sana lahat ng celebrity tulad ni Jugs may oras para ituwid iyon nabasa nila, mas appreciate namin iyon. Puwede naman kasi na mali ang information na nakuha namin, at puwede naman itong ituwid. Thank you Jugs for your time. Appreciate much!” dagdag pa ni Manay Lolit.

Related Chika:
Mister ni Alex humingi ng respeto kay Lolit Solis: Wag po kayong gumawa ng kwento sa ganitong klaseng sitwasyon…

 

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending