Bayani niregaluhan ng mga sapatos ni Mega na nagkakahalaga ng mahigit P130K | Bandera

Bayani niregaluhan ng mga sapatos ni Mega na nagkakahalaga ng mahigit P130K

Ervin Santiago |June 24,2021
facebook
share this

Bayani niregaluhan ng mga sapatos ni Mega na nagkakahalaga ng mahigit P130K

Ervin Santiago - June 24, 2021 - 05:31 PM
PINATUNAYAN ng veteran comedian at TV host na si Bayani Agbayani kung gaano kabait at ka-generous ang ilang kaibigan niya sa mundo ng showbiz. Kabilang sa mga nabanggit ni Bayani na walang kupas ang pagiging mapagbigay ay sina Luis Manzano at Megastar Sharon Cuneta. Sa isang vlog na napanood namin, sumabak si Bayani sa “Uutangan O Ililibre” challenge kung saan kailangan niyang sagutin mung hihiraman ba niya ng pera o ililibre ang mga sikat na celebrities na babanggitin sa kanya. Isang mabilis na “uutangan” ang sagot niya kay Luis, “Kasi maraming pera ‘yan. Marami kayang mga taxi ‘yan. Tsaka maraming mga commercials. “Minsan nga nagagamit kami sa mga vlogs niyan hindi naman kami binibigyan kahit singko,” chika ni Bayani patungkol sa kanyang kaibigan. Sa katunayan, palagi raw siyang nililibre ni Luis at binibigyan pa ng mga produktong ineendorso nito, “Basta ‘Huy punta kayo dito. Papakainin ko kayo’ tapos iba-vlog na lahat ng gagawin namin. Aakbay na lang ako sa kanya, kukunan na ng camera. Kahit sino, sa amin. Tapos makikita mo ‘Uy nasa vlog pala ako,’” kuwento pa ni Bayani. Dagdag pa ng comedian, “Sasabihin niya, ‘Punta kayo ng dressing room ko ha?’ ‘Bakit?’ ‘Basta.’ Tapos iba-vlog niya na ‘yun. Pumupunta po siya ngayon dito sa aking dressing room. Grabe! Parang si Alex Gonzaga. Hindi. Pero mabait po ‘yang mga ‘yan. “Si Luis, ‘yung mga sponsor niyan, tatawagan pa ako. ‘Kuya, ano’ng gusto mo dito?’ Dadalhin niya na lang sa taping tapos ibibigay niya sa akin. Pero dapat talaga utangan ‘yan,” dugtong pa ni Bayani. Nang mabanggit na ang pangalan ni Mega, sinabi ng komedyante na isa si Shawie sa mga taong napaka-sweet sa kanya at hindi nakakalimot kahit matagal na silang hindi nagkikita. “Ang maganda lang kay Tita Shawie, alam mo kahit hindi kayo nagkikita, maalala ka niya,” ani Bayani. Sa katunayan, niregaluhan pa raw siya ng mamahaling sapatos ni Mega. “Tita Shawie, ipagmamalaki ko na ‘to. Itong Prada, Gucci at Givenchy, tatlong mahal na sapatos binigyan ako ni Tita Shawie. Hindi na kami nagkikita, ah?” “Tumawag lang siya ‘Umorder ka ng tatlong sapatos. Tas nakita ko 45,000, 42,000, 46,000. ‘Tita Shawie, hindi ko po kaya ‘to. Isa lang po ang bibilhin ko.’ ‘Ano’ng bibilhin mo? Ako magbabayad niyan. Umorder ka na.’ “Binayaran niya. Hindi kami nagkikita nang matagal na panahon ah? Kaya uutangan si Tita Shawie?” chika pa ni Bayani. Kung susumahin, umabot daw sa mahigit P130,000 ang halaga ng branded shoes na nairegalo sa kanya ni Sharon. Ilan pa sa mga uutangan ni Bayani ay sina Vic Sotto, Willie Revillame, Karla Estrada at Vice Ganda.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending