Bayani Agbayani trending dahil sa dasal, bagong patutsada nga ba kay Vice Ganda? | Bandera

Bayani Agbayani trending dahil sa dasal, bagong patutsada nga ba kay Vice Ganda?

Therese Arceo |July 27,2022
facebook
share this

Bayani Agbayani trending dahil sa dasal, bagong patutsada nga ba kay Vice Ganda?

Therese Arceo - July 27, 2022 - 05:45 PM

Bayani Agbayani trending dahil sa dasal, bagong patutsada nga ba kay Vice Ganda?
USAP-USAPAN na naman ngayon ang komedyante at “Lunch Out Loud” host na si Bayani Agbayani matapos ang makahulugang panalangin nito sa pagtatapos ng kanilang programa noong Lunes, July 25.

Tila isang tradisyon na kasi pata sa mga Tropang “LOL” na mag-offer ng panalangin sa pagtatapos ng kanilang programa.

Lord, maraming salamat sa humility na ibinibigay Ninyo sa amin… Huwag Ninyo po kaming hayaang maging hambog o mayabang. Lagi po kaming magpapakumbaba at tutulong sa aming kapwa dito po sa industriya at sa labas ng industriya,” panalangin ni Bayani.

Marami ang nagsasabi na tila patama daw ito sa “It’s Showtime” main host na si Vice Ganda matapos itong magsalita sa kanilang programa ukol sa isyu ng “overtime”.

Ilang araw na ring laman ng balita ang tila parinigan ng dalawang hosts ng magkibang noontime shows na magkasunod na mapapanood sa TV5.

View this post on Instagram

A post shared by Bayani Agbayani (@bayaniagbayani)

Matatandaang tila sinopla na ni Vice si Bayani nang magbiruan sila nina Vhong habang nagho-host ng “Showtime Sexy Babe” at sinabing huwag makisawsaw ang mga taong hindi naman daw kasali.

Pasimple kasi ang naging atake ni Bayani nang mabanggit nito na hindi sila nag-o-overtime sa kanilang programang “Lunch Out Loud” bagay na matagal nang isyu nina Vice at maging sa kanyang latest vlog upload ay inamin niya na madalas itong mangyari at pabiro pang sinabing “unprofessional” ang kanyang mga kasamahan kaya ito nangyayari.

At nito nga lang nang ipagtanggol ng kolumnista ang TV5 host laban sa Unkabogable star.

“Naabot na ni Vice Ganda ang kaniyang pangarap. Sobra pa sa kaniyang pangarap ang ibinigay sa kaniya ng kaniyang kapalaran. Ang alam ko, sa mga matatagumpay na tao parang kawayan, habang lumalago ang pangarap at pamumuhay, bumababa, yumuyukod. Pero bakit, nakamit na lahat, napakayabang pa rin?” sey ng kolumnista.

Maski si Ogie Diaz ay napa-react rin sa isyung parinigan ng dalawa na maaari daw na hindi lang nagkaunawaan ang dalawa.

Wala rin namang direktang pahayag so Bayani ukol sa isyung kinakaharap at maski si Vice ay wala ring sey hinggil sa isyu.

Anyway, mapapanood ang “Lunch Out Loud” mula 11:00 A.M hanggang 12:45 P.M habang ang “It’s Showtime naman ay mula 12:45 P.M. hanggang 3:15 P.M.

Related Chika:
Vice Ganda pinalagan nga ba si Bayani Agbayani sa isyung ‘overtime’?

Banta ng misis ni Bayani sa katrabaho ni mister: Watch mo ‘yung words mo na pakuya-kuya, parang di na ako naniniwala

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Cristy Fermin to the rescue kay Bayani, rumesbak kay Vice Ganda sa isyu ng ‘overtime’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending