Bayani Agbayani matinding challenge din ang dinanas sa buhay: ‘Mas mahirap pa kami sa daga kasi wala kaming bahay’
MATINDI rin ang pinagdaanan ng TV host at komedyanteng si Bayani Agbayani noong kanyang kabataan dahil sa sobrang kahirapan.
Kuwento ni Bayani, talagang naghihikahos sila noon sa buhay at madalas ay wala silang makain at wala ring permanenteng tirahan.
Binalikan ng veteran comedian ang dati niyang buhay sa interview ni Korina Sanchez last Sunday, at dito nga niya naibahagi ang mga hirap na dinanas noong walang-wala pa ang kanyang pamilya.
Natanong siya ng premyadong broadcaster sa isang bahagi ng panayam kung naaapektuhan ba siya kapag tinatawag siyang mahirap.
Umiling muna si Bayani sabay saying, “Para ngang mahirap pa kami sa daga noon, e. Kasi wala kaming bahay.
Baka Bet Mo: Coco Martin Pambansang Bayani ng telebisyon: ‘Kung may forever nga lang sa ‘Probinsyano, bakit hindi?’
“Wala kaming regular na oras ng pagkain. Minsan, nagtatanghalian kami 3, 4 p.m., ganu’n kalala,” pagbabahagi pa ni Bayani.
Sey pa ng komedyante at TV host, dumating din yung panahon na halos wala nang gustong magpautang sa kanila dahil kalat na sa lugar nila na wala silang ipambabayad.
“Tapos, nangupahan kami. Sa Malabon, nangupahan kami. Every year, umiiba kami ng bahay.
“Kasi every year, may law na pwedeng magdagdag ‘yung landlady, ‘yung landlord. Halimbawa, umupa kami sa P300. Tapos, next year P350 na. Lilipat si Nanay sa P250,” pagbabalik-tanaw ni Bayani.
Chika pa niya sa panayam ng “Korina Interviews” sa NET25, halos nalibot na raw ng pamilya nila ang Malabon dahil nga palipat-lipat sila ng bahay every year.
Pero in fairness, dahil sa sipag, pagsisikap, at kaunting swerteng kumapit kay Bayani, unti-unti siyang nakilala sa showbiz hanggang sa maging isa sa pambatong komedyante sa Pilipinas.
Bayani Agbayani trending dahil sa dasal, bagong patutsada nga ba kay Vice Ganda?
Vice Ganda pinalagan nga ba si Bayani Agbayani sa isyung ‘overtime’?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.