‘Sobrang kahirapan ang problema ng Pinas, pero si Kris...puro lalaki lang!’ | Bandera

‘Sobrang kahirapan ang problema ng Pinas, pero si Kris…puro lalaki lang!’

Jobert Sucaldito |June 19,2014
facebook
share this

‘Sobrang kahirapan ang problema ng Pinas, pero si Kris…puro lalaki lang!’

Jobert Sucaldito - June 19, 2014 - 03:00 AM


Hindi na raw mahalaga para kay Kris Aquino ang makatagpo ng guwapong lalaki – ang nais raw niyang makasama ay isang smart guy na puwede niyang makausap bago siya matulog.

Marami ang natawa sa bagong pronouncement na namang ito ni Tetay. May isa akong kaibigang nag-react,”Bakit hindi na lang siya mag-abang ng fresh summa cum laude graduate, yung English major para matapos na ang ordeal niya.

Ang dami niyang kadramahan sa buhay. Ang kailangan yata niya ay isang nerd para magkasundo sila. Normal pa ba ang utak niyan? Hindi ko na siya nakakaya!”

Natawa ako sa tinuran ng friend ko. Anong tingin niya kay Kris – nerd? Ang sinasabi lang ni Kris ay smart guy, hindi naman kailangang summa cum laude grad kaya.

“Para matapos na ang problema niya. Tayo ang problema natin ay ang sobrang pagkalam ng simkura dahil wala tayong pambili ng pagkain, tapos siya lalaki lang. Nakakaloka na siya!” iritang dugtong pa ng kausap namin.

Hay naku, I rest my case. Tama na! Sobra na! Ha-hahahaha!

( Photo credit to kris aquino official fanpage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending