Coco Martin Pambansang Bayani ng telebisyon: 'Kung may forever nga lang sa 'Probinsyano, bakit hindi?' | Bandera

Coco Martin Pambansang Bayani ng telebisyon: ‘Kung may forever nga lang sa ‘Probinsyano, bakit hindi?’

Alex Brosas - August 01, 2022 - 08:00 AM

Coco Martin

PAMBANSANG bayani ng telebisyon ang tingin ng maraming artista kay Coco Martin lalo na ng mga nakatrabaho niya sa harap at likod ng mga camera.

Ngayong magtatapos na ang “FPJ’s ang Probinsiyano”, ipinakita ng co-stars ni Coco ang labis nilang pagmamahal sa actor na naging daan para mabuksan muli ang showbiz para sa kanila.

Sa isang video ng Dreamscape Television sa Facebook, pinatunayan ng mga kasamahan ni Coco ang pagiging mapagbigay nito, ang pagiging humble at ang pagiging ulirang actor sa kanila.

Si John Medina na gumanap bilang  Billy Guzman sa serye ay itinuturing na isang malaking karangalan ang maging parte ng teleseryeng ito.

“Pitong taon ng buhay ko ay nasa Probinsyano. Napakaraming journey,” say niya.

When asked kung ano si Coco sa likod ng camera, say ni John, “Isa lang ang masasabi ko sa kanya, mabuting tao.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph)


Teary-eyed naman si Sancho delas Alas na gumanap bilang Greco Cortez sa serye.

“Para kang nakikipagtrabaho o nakikipaglaro sa isang dream team. ‘Yung mga taong ito, ang dami nilang nabigay, ang dami nilang naituro sa iyo.

“Parang kung puwede sanang forever, kung meron sanang forever, bakit hindi?” say niya.

About Coco, ito ang kanyang nasabi, “Kahit na noong nagka-pandemic, handa pa rin siyang maging Cardo Dalisay sa mga viewers. Kami rn, nai-imbibe naming ‘yun, sige, handa rin kami, io-offer naming, ibibigay naming, sasamahan ka namin.”

Si Marc Solis naman na gumanap bilang Rigor Soriano ay walang  masasabi kundi, “Sobrang grateful, thankful po ako.”

“Hindi lang ito basta trabaho, pamilya na,” say pa niya.

Napatunayan din niya na isang tunay na tao si Coco, “100% siya as a friend. 100% siya as a director.”

Para kay Jay Gonzaga who played James Cordero, malaki ang pasasalamat niya sa Panginoong Diyos na hanggang ngayon ay nandito pa siya sa show.

“‘Yung journey na iyon, as an actor, in-embrace ko siya,” say niya.

“Nakita ko ang isang Coco Martin outside  the camera. Parang kuya, parang totoong kuya talaga,” dagdag pa niya.

Sa dami ng natutulog na career na binuhay niya, sa dami ng actor at hindi actor na natulungan niya, sa dami ng biyaya na walang pag-aalinlangan na ibinigay niya sa kapwa niya, tunay ngang Pambansang Bayani si Coco Martin sa mundo ng telebisyon.

https://bandera.inquirer.net/289580/julia-bagong-leading-lady-ni-coco-sa-ika-6-anibersaryo-ng-ang-probinsyano
https://bandera.inquirer.net/315616/judy-ann-magbabalik-telebisyon-na-papalitan-si-regine-sa-magandang-buhay

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/290076/kris-aquino-mapapanood-na-ulit-sa-telebisyon-umaming-natakot-bumalik-at-nagluluksa-pa-rin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending