Bayani Agbayani sasabak na sa politika, tatakbo sa 2025 elections
KINUMPIRMA ng veteran comedian at TV host na si Bayani Agbayani na tatakbo siya sa darating na 2025 elections.
Humiling daw ng ilang senyales ang komedyante sa Panginoong Diyos kung papasukin nga ba niya ang mundo ng politika at public service dahil matagal na talaga niyang nais makatulong sa mga nangangailangan nating kababayan.
At in fairness naman daw, feeling ni Bayani ay nagbigay na sa kanya ng signs si Lord upang magdesisyong tumakbo sa darating na midterm elections.
Nagbigay ng pahayag si Bayani sa isang episode ng “Showbiz Updates” ng online host at talent manager na si Ogie Diaz tungkol sa plano niyang pagtakbo bilang representative ng TUPAD Partylist.
Baka Bet Mo: Bayani Agbayani trending dahil sa dasal, bagong patutsada nga ba kay Vice Ganda?
“Kinonsulta ko ‘yung mga kapatid ko, ‘yung asawa ko, dahil gusto ko talagang makatulong sa ating mga kababayan at siyempre kung wala ako sa posisyon maaaring hindi ko ito mabigyan ng 100 percent na pagtulong,” pahayag ni Bayani.
View this post on Instagram
Patuloy pa niya, “Kaya nag-decide po ako at ipinagdasal ko naman sa Panginoong Diyos.
“At parang binigyan niya ako ng senyales, e. ‘Bayani, tumakbo ka para marami kang matutulungang mahihirap na nangangailangan ng tulong lalo na ngayon, mahal ang kuryente, tuition fee, mahal ang tubig, ang basic needs,” aniya.
Baka Bet Mo: Sandara Park sa tanong kung pwedeng maging KPop star si Bayani Agbayani: Puwede kahit hindi gwapo
Dugtong pa ni Bayani, “So, ‘yong mabigyan man lang natin sila ng pangangailangan sa araw-araw. At ako, bilang lingkod-bayan, e maglilinkod po sa inyo ng tapat at 100 percent.”
Sundot na tanong ni Ogie, “So curious sila, for sure. Ano kaya ang tatakbuhan ni Bayani?”
“TUPAD Partylist,” pagkumpirma ni Bayani.
Gumawa na rin daw si Bayani ng Facebook page para sa TUPAD KAHILINGAN kung saan nakatakda silang magbigay ng tulong sa mga nangangailangan nating kababayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.