Lyca Gairanod inspirasyon sa pagkanta si Mercy Sunot
HINDI maiwasan ng young singer na si Lyca Gairanod ang malungkot matapos malaman ang pagpanaw ni Mercy Sunot ng Aegis band.
Sa isa sa kanyang Instagram stories ay ibinandera niya ang larawan ng yumaong singer.
Amin ni Lyca, isa si Mercy sa mga taong hinahangaan niya sa industriya.
Isa rin ito sa mga tinitingala niyang Filipino singers.
View this post on Instagram
“Isa sa mga iniisolo ko at inspirasyon ko sa pag-awit,” saad ni Lyca.
Dagdag pa niya, “Rest in peace, Ate!”
Matatandaang nitong November 18 nang maiulat sa publiko ang pagpanaw ni Mercy.
Ito ay nangyari ilang araw lang matapos ang kanyang live sa social media kung saan siya ay humihingi ng mga dasal habang nakikipaglaban sa sakit sa lung cancer.
Inamin rin ni Mercy na nakaramdam siya ng matinding kalungkutan base na rin sa ibinahagi niyang TikTok video noong mismong birthday niya noong November 6.
“Mahirap, mahirap sa ibang bansa na nag-iisa ka lang. Yung wala kang malapitan, malungkot,” pagbabahagi niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.