Lyca Gairanod dedma sa mga kontra sa relasyon nila ni Kyle Walle: 'Wala naman tayong magagawa, basta kami ine-enjoy na lang namin ang buhay' | Bandera

Lyca Gairanod dedma sa mga kontra sa relasyon nila ni Kyle Walle: ‘Wala naman tayong magagawa, basta kami ine-enjoy na lang namin ang buhay’

Ervin Santiago |August 17,2023
facebook
share this

Lyca Gairanod dedma sa mga kontra sa relasyon nila ni Kyle Walle: ‘Wala naman tayong magagawa, basta kami ine-enjoy na lang namin ang buhay’

Ervin Santiago - August 17, 2023 - 06:17 AM

Lyca Gairanod dedma sa mga kontra sa relasyon nila ni Kyle Walle: 'Wala naman tayong magagawa, basta kami ine-enjoy na lang namin ang buhay'

Lyca Gairanod at Kyle Walle

MALIGAYANG-MALIGAYA ngayon ang singer-actress na si Lyca Gairanod sa piling ng kanyang dyowang si Kyle Walle.

Isa rin itong singer at content creator na una niyang ipinakilala sa madlang pipol sa pamamagitan ng pag-flex ng litrato nila together sa Instagram.

Umani man ito ng samu’t saring reaksyon mula sa nga netizens, mukhang hindi naman affected sina Lyca at Kyle lalo na sa mga bashers na nangnenega sa kanilang pag-iibigan.

Kuwento ni Lyca sa isang panayam, nagagamit niya raw ang kaligayahang nararamdaman niya ngayon sa latest role niya sa TV5 love anthology series na “For The Love” kung saan katambal niya ang P-pop idol at Alamat member na si Tomas Rodriguez.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by LYCA (@lycagairanod.1)


Sey ng dalaga, dahil sa relasyon nila ni Kyle, mas nagiging realistic ang pagpapakilig niya onscreen kasama si Tomas.

“Parang sa kilig naman, hindi naman nahirapan kasi nandu’n din ‘yung boyfriend ko, nanood siya (taping). He’s very supportive sa akin. So talagang bini-build up rin niya ako,” ani Lyca.

Nagpaliwanag din ang dalaga tungkol sa desisyon nila ng kanyang dyowa na ilantad na sa publiko ang kanilang relasyon dahil wala naman siyang nakikitang masama.

“’Yung first ko, nu’ng pinag-usapan namin na ipa-public (yung relationship) kasi napag-usapan namin na mas magandang i-public na lang kesa itago. Depende naman ‘yun sa iba pero sa amin gusto namin na i-public siya.

“And then ‘yung mga reaction ng mga tao, meron talagang mga comment na iba pero meron ding nagko-comment na gusto nila.

Baka Bet Mo: Lyca binansagang ‘Meme Queen’, mensahe ni Karen: May plano ang Panginoon para sa iyo, I love you!

“Hindi ko nga rin alam pero wala naman tayong magagawa kasi kanya-kanyang opinyon. So kami naman, ang ginagawa na lang namin, ini-enjoy na lang namin ‘yung buhay,” sey pa ni Lyca sa nasabing interview.

Kuwento pa ng young singer-actress, pinipilit pa rin niyang maging kumportable sa camera si Kyle kapag gumagawa sila ng content together para sa kanyang YouTube channel.

“Naku, super mahiyain siya. Pero kapag kaming dalawa naman parang ini-enjoy naman niya na magkasama kami.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by LYCA (@lycagairanod.1)


“Tapos kapag nagba-vlog naman kami, parang nakakasabay naman siya sa trip ko. Ha-hahaha! And then pagdating na talaga sa vlog, sasabay na siya.

“Parang normal na lang sa amin. Pero kapag maraming tao nahihiya siya. Pero siyempre ‘yung kulit ko madadamay siya so wala siyang choice.

“Girlfriend niya ako, ako ‘yung magba-vlog. Wala na talaga siyang choice. Ha-hahahaha! Luka-luka po ‘yung girlfriend niya,” sey pa ni Lyca.

“Kapag kaming dalawa mukha siyang extrovert pero kapag sa labas hindi na, nagiging mahiyain na siya,” dagdag pa niyang chika.

Love story nina Lyca Gairanod at Kyle Walle nagsimula sa TikTok: ‘First boyfriend ko po siya tapos LDR pa’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lyca Gairanod gusto ring makilala bilang aktres, first time bumida sa isang horror film

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending