SB19 Pablo bagong superstar coach ng ‘The Voice Kids PH’: ‘We want you!’
NI-REVEAL na ang pinakabagong superstar coach para sa upcoming season ng “The Voice Kids Philippines.”
Siya’y walang iba kundi si Pablo, ang lider at chief songwriter ng Pinoy pop kings na SB19!
Pinalitan niya ang bokalista ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda, habang mananatili ang isa pang SB19 member na si Stell, pati na rin sina Julie Anne San Jose at Billy Crawford.
“We want you, #TVKCoachPablo! Welcoming Pablo of SB19 as the newest superstar coach on #TheVoiceKids! Get ready for an epic season filled with incredible talent and unforgettable moments for our young artists,” saad sa exciting announcement ng GMA Network.
View this post on Instagram
Sa social media post naman ng singing competition show, mapapanood ang teaser video na isa-isang ipinakilala ang magsisilbing coach ng bagong season, kabilang na si Pablo na nag-sample pa ng kanyang boses.
“Playtime is over,” sey pa ng SB19 leader sa video.
Saad sa caption ng X (dating Twitter) post, “Small voices, big dreams! Coming to GMA for the first time.”
Small voices, big dreams! ⭐ Coming to GMA for the first time!
Catch #TheVoiceKids singing soon on GMA! 🎤 pic.twitter.com/0ka9IfR2tE
— The Voice Kids Philippines (@_TheVoiceKidsPH) July 29, 2024
Para sa kaalaman ng marami, ang upcoming season ng “The Voice Kids Philippines” ang kauna-unahang installment sa Kapuso Network.
Ang franchise ng “The Voice,” kabilang na ang Kids edition ay dating hawak ng ABS-CBN.
Taong 2018 nang mag-debut si Pablo bilang leader, chief songwriter, main rapper, at vocalist ng SB19.
Nag-umpisa naman ang kanyang solo career noong 2022 kasabay ng pag-release niya ng single na “La Luna.”
At ngayon, siya rin ang chief executive officer (CEO) ng itinayong talent management ng grupo na 1Z Entertainment.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.