SB19 Pablo nakiusap sa fans: There’s no reason to spread hate
NAKIUSAP si Pablo, ang leader ng P-pop supergroup na SB19 sa lahat ng kanilang supporters na huwag nang mangnega at makipag-away sa social media.
Ipinaalala ng singer-dancer at songwriter sa lahat ng kanilang fandom na tinatawag na A’TIN, ang isa sa mission and vision ng grupo, at yan ay ang mai-promote ang Filipino talent and culture sa buong mundo.
Baka Bet Mo: SB19 Stell umaming single na single pa rin: ‘Pero taken na ng A’TINs’
Nagbahagi ng mensahe si SB19 Pablo sa milyun-milyon nilang fans matapos ngang magkaroon ng online feud ang mga A’TIN at ilang local volleyball supporters.
View this post on Instagram
Na-offend at hindi nagustuhan ng mga tagasuporta ng SB19 ang naging comment ng volleyball star na si Sisi Rondina na hindi raw niya kilala ang grupo nina Pablo sa ginanapa na Independence Day event sa South Korea.
Parehong pesent sa naturang event ang SB19 at si Sisi na bahagi ng Philippine national women’s volleyball team.
Baka Bet Mo: Sharon may mga taong gustong ipasuntok sa mukha; inalala sina Aga at Goma
Marami ang nagsabi na napakaimposible raw na hindi makilala ng volleyball player ang SB19 samantalang sikat na sikat na ang grupo sa buong mundo.
Naglabas pa ng resibo ang mga netizen tungkol sa napakaraming achievements ng grupo at ikinumpara pa sa mga naabot ng volleyball star at ng kanyang team.
View this post on Instagram
Habang nakikipagbardagulan ang ilang SB19 fans, nag-post naman si SB19 Pablo sa kanyang X account at nagsabing tanggap naman nila na hindi lahat ng tao ay kilala sila.
“There’s no reason to spread hate, disrespect or drag down our fellow Filipinos.
“Lahat tayo may effort na i-angat ang Pinoy. Hindi kelangan ikumpara kung sino mas magaling o mas maraming nagawa,” ang mensahe ni Pablo.
Patuloy pa niya, “We know na hindi kami nag-iisa sa goal na ito dahil marami pang ibang Pinoy na nagsusumikap at nagsasakripisyo para sa layon na ito.
Baka Bet Mo: Darryl Yap: Nakakapeste lang na sasabihing nakiki-ride on kami sa JaDine
“To A’TIN, salamat sa lahat ng suporta at pagmamahal na binibigay n’yo sa amin. Wala kami kung wala kayo.
“Sana lagi ninyo tatandaan kung bakit ‘A’TIN’ ang pangalan ng fandom natin. We share our victories! Sa ATIN lahat ‘to!” dagdag pang sabi ni SB19 Pablo.
Samantala, may netizen namang pinatamaan ang main vocalist ng grupo na si Stell na posibleng isa lamang troll na nagpapakalat ng hate posts at nagpapakilalang A’TIN.
May A’TIN fandom na rin na nagsabing hindi talaga member ng fandom ang naturang netizen kasabay ng paghingi ng paumanhin kay Sisi Rondina.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.